"Nakita ko kayo ni Kuya Leo kanina." Natigilan ako sa sinabi niya, napaka-seryoso niya at mukhang naiinis pa nga. Akala ko ba support siya sa kalandian ko? Bakit parang galit siya ngayon. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko, there's no point of denying kung nakita nanaman para niya sa sarili niya. Hindi ko naman puwedeng sabihin na nagkataon lang. "Malaking gulo 'to, Abby." Napailing siya at humarap sa akin. Napayuko nalang ako at mas lumapit pa sa kaniya, ipinatong ko ang kamay ko harang ng balcony. "Akala ko support mo kami." Sagot ko naman sa kaniya. Siya ang sinasabihan ko ng mga ganitong bagay kasi alam ko na support siya. "Oo, sa inyo ako. Alam mo naman noon palang na support kita sa kalandian mo sa buhay, pero Abby, only if you saw what happened earlier." Napail

