Steven POV “F*ck!” Sigaw ko habang nasa loob ng kotse papalayo sa mansyon. Akala ko nagkamali lang ako. Akala ko siya ang kasama ko. Pero ramdam ko na hindi siya ang babaeng yun kundi si Ella. Sa kilos sa pananalita at sa mata pa lamang niya alam ko na ang pagkakaiba nilang dalawa kahit parehas sila ng mukha. Kung ganun nasaan siya? Bakit si Ella ang kasama ko at hindi siya! Nahampas ko ulit ang manibela. Para na akong masisiraan ng bait gusto ko siyang tanungin kung nasan ang babaeng iyon. Pero nagdalawang isip ako. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman niyang alam ko na ang lahat. Marami pa akong gustong malaman tungkol sa pagkatao niya. Plano kung sabihin sa kanya kapag nagkaanak na kaming dalawa para sigurado akong wala na siyang kawala sa akin. Malalaman ko din ang totoo Ella

