Camilla POV Nang malaman kong nakatakas si Kade sa Ospital. Muli na namang bumangon ang takot ko. Pakiramdam ko ay hindi pa rin ako ligtas. Nanginginig din ang katawan ko sa takot. Hindi parin maalis sa isip ko ang mga nangyari sa akin sa mga kamay niya. Hindi lang yun pati kaligtasan ni Steven ay inaalala ko din. Hindi ako mapanatag dahil alam ko gumagala pa din ang lalaking malaki ang galit sa kanya. Ramdam niya sigurong natatakot ako kaya mabilis niya akong nilapitan at mahigpit na niyakap. “Don’t worry hon, hinahanap na siya ng mga pulis. Kaya wag kang mag-alala. Saka nagpasya akong iuuwi na kita sa mansyon. Kung nakatakas si Kade ng ganun kadali ibig sabihin hindi ka rin safe dito. Atleast dun mababantayan kita. Magdadagdag din ako ng mga tauhan para may makasama ka.” Mahinahon na

