Chapter 41: Kaniyang sinubukan na sumunod sa babae. Hindi pa niya naranasan na maramdaman na may taong ayaw siyang mawala o may mangyaring masama sa kaniya maliban sa pinsan niya at mga tao sa mansion niya.. Ngayon pa lamang kaya ay hindi pa niya napaabsorba sa sistema niya ang lahat. Hindi niya maitatanggi na sa paraan ng pagsalita ni Lila kanina ay naramdaman niya ang pag-aalala nito sa kaniya. “Miss Maid, let’s talk about this. Huwag mo naman akong iwasan,” aniya. “We can’t just stop in the middle!” Hindi niya rin naranasan na muling humabol sa isang tao, simula noong sumuko na siya sa paghahabol kay Celine. Hindi niya na batid ang nararamdaman niya. Ayaw niya mang aminin ay nabahala siya. Ito ay hindi dahil sa pekeng relasyon nila ng babae kun’di mahal niya talaga ito at ayaw niyang

