Chapter 28: Pumikit siya at agad na huminga nang malalim. Maling ideya na isinama niya sa gathering si Lila. Hindi nakaligtas ang babae sa masamang plano ni Celine dito. Kahit na itanggi man iyon ng kaniyang ex-fiancee ay batid ni Ryllander na ang babaeng iyon lamang ang naglalayon na makaranas ng hindi mabuting karanasan sa piging si Lila. Galit ito sa maid niya dahil inakala nito na mayroon espesyal na namamagitan sa kaniya at sa probinsiyang maid niya. Ang totoo niyan ay natuwa siya dahil unti-unting nararamdaman ni Celine ang naramdaman niya noon. Pero hindi niya inasahan na magiging labis ang ex-fiancee niya. Kasalanan niya kung bakit pinagtawanan kanina ng marami si Lila. Kung hindi umiral ang kaniyang pagmamataas ay hindi na napahamak si Lila. Ginamit niya ang maid niya upang maga

