Chapter-2

1049 Words
Tila naman s'ya natauhan ng marinig ang magandang boses ng lalake. Mabilis s'yang tumayo mula sa pagkakaibabaw n'ya rito. Pagtayo pinagpag n'ya ang bestida at inayos ang suot at buhok. Inis na binalingan ang lalaking, pabangon mula sa semento. Napansin n'ya ng pag ngiwi nito ng hawakan ang siko nito. Marahil nagasgasan ang siko nito sa biglang pagbagsak nila sa semento. Napakagat labi s'ya at nag-iwas ng tingin. Sinulyapan ang pader na inakyat n'ya kanina. Balak na n'yang tumalon talaga at wakasan na ang lahat. Pero na udlot dahil sa lalaking ito. Inis n'yang binalingan ang lalaking ngayon ay nakatayo na sa harapan n'ya. Kumunot ang noo n'ya habang nakatitig sa lalake. Matangkad ang lalaking kaharap, nakasuot lang ng kaswal na T-shirt at jacket, maong pants at chuck taylor shoes. Napalunok s'ya ng mapagmasdan ang mukha nito. Maganda ang hugis ng mukha nito, may balbas sa gilid ng pisngi. Napalunok s'ya ng maramdaman ang pagtibok ng puso n'ya habang nakatitig sa lalake. Gwapo ito as in gwapo, lalaking lalaki ang itsura. Sa kauna-unahang pagkakataon may nakita s'yang lalaking higit na gwapo kay Gael. May hihigit pa pala kay Gael Saavedra. "Who are you?" Wala sa loob na tanong n'ya sa kaharap. Habang pilit pinipigilan ang atraksyon na biglang naramdaman sa kaharap. Hindi n'ya mapigilan ang pagtibok ng kanyang puso habang nakatitig sa gwapong lalake. "It doesn't matter Miss. You are about to jump and kill your self hindi ba?" Kunot noong tanong nito. Oo 'yon ang balak n'ya pero naudlot dahil dumating ito. Pasimple n'yang liningon muli ang pader. She really want to jump and kill herself now. Wala na rin naman s'yang dahilan pa para mabuhay. "Yes! I want to end my life Mr. And I want to end it now!" Hiyaw n'ya at akmang aakyat muli sa pader ng hilahin s'ya ng lalake sa bewang payakap. Nagpumiglas s'ya at nagtitili ng buhatin s'ya palayo sa may pader ng building. Nagtitili s'ya at parang batang nagpupumiglas ng buhatin s'ya ng estrangherong lalake. "Get off of me!' Sigaw n'ya. Pero hindi s'ya binitiwan ng lalake. Nagulat s'ya at lalong nagtitili ng pasanin s'ya ng lalake sa balikat nito. Nagpapadyak s'ya para ibaba s'ya ng lalake. Pero parang wala s'yang kabigat-bigat kung pasanin lang ng lalake. "Ibaba mo ko!" Sigaw n'ya, kasabay ang pag padyak sa lalake at pagsuntok sa likod nito. "Pwede ba tumigil ka!" Sigaw ng lalake habang humahakbang. "Ano ba! Ibaba mo ko! Tili pa rin n'ya at napansin na papasok na sila sa pintuan kung saan s'ya dumaan kanina. Pagpasok sa loob agad s'yang binaba ng lalake at sinara ang pintuan. "How dare you para makialam sa akin?!' Galit na tanong n'ya at umigkas ang kamay para sampalin ang lalake. Pero nahuli nito ang kamay n'ya. "Don't you dare Miss," banta nito at masamang tingin ang pinukol sa kanya. Nakaramdam s'ya ng takot sa lalake. At lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso n'ya. "I don't know what's got in your head Miss, but killing your self is not the f*cking answer on your problem," mariing sabi nito, habang mahigpit na hawak-hawak ang kamay n'ya. Kumunot ang noo n'ya. Sino ba ito para sabihan s'ya, hindi naman nito alam ang pinagdadaanan n'ya. "For me it is the answer! Killing myself is enough to escape all of these f*cking problem!" Hiyaw n'ya at marahas na binawi ang brasong hawak ng lalake. "You don't know my problem Mr. kaya huwag mo kong pakialaman!"Sigaw n'ya at buong lakas na tinulak ang lalake, napasadsad ito sa pintuan. Nakakuha s'ya ng pagkakataon para makaiwas sa lalaking pakialamero. Mabilis s'yang nagtatakbo pababa ng hagdan. "Sadali!" "Pabayaan mo ko!" Sigaw n'ya. "Miss," tawag ng lalake sa kanya. "Leave me alone! Pabayaan mo ko!" Tili n'ya at mabilis na inalis ang bag na nakasabit sa katawan. Ibinato n'ya ang bag sa lalaki, para huwag na s'yang sundan pa at hayaan na lang. "Wait Miss! Sandali!" Tawag ng lalake sa kanya, pero nagtuloy lang s'ya. Mabilis s'yang sumakay sa elevator ng bumukas 'yon. Hindi n'ya kilala ang lalake, pero alam n'yang nais lang s'yang tulungan nito, nais iligtas sa pagpapakamatay na gagawin n'ya. At nagawa naman ng lalaking 'yon na pigilan s'ya. Dahil napatibok nito ang kanyang puso sa kauna-unahang pagkakataon. "Sino kaya s'ya?" Nang makalabas ng building agad s'yang sumakay ng taxi. Nagpahatid s'ya sa condo unit ng nag-iisa n'yang kaibigang si Geraldine. Wala na s'yang matatakbuhan pa. Hindi s'ya pwedeng umuwi sa kanila, hindi s'ya pwedeng umuwi sa unit ng Kuya Dylan n'ya. T'yak na sesermunan lang din s'ya ng kapatid. "What? saan ka naman pupunta?" Gulat na tanong ni Geraldine ng sabihin sa kaibigan na aalis s'ya ng San Sebastian at kailangan n'ya ng pera. Wala s'yang pera dahil alam n'ya soon puputulin na ng ama ang mga cards n'ya. Wala s'yang cash, dahil wala naman s'yang trabaho, umaasa lang s'ya sa mga magulang sa Kuya Dylan n'ya. "Please Geraldine, mababaliw ako kapag nanatili pa ko dito sa San Sebastian," pakiusap n'ya sa kaibigan. Alam n'yang alam na ng kaibigan ang problema n'ya, dahil isa ang ama ni Geraldine sa mga share holders sa kompanya ng mga Saavedra. At kanina sa meeting alam n'yang dinala ni Gael ang asawa nito para ipakilala na sa mga share holders ng kompanya. "Fine, matitiis ba kita, make sure na huwag mong pababayaan ang sarili mo, and please Julia bumalik ka once na ok ka na," sabi ng kaibigan. Tumango lang s'ya sa kaibigan. Kung alam lang ng kaibigan na this is her second life. Kung hindi lang dahil sa lalaking 'yon baka pinaglalamayan na s'ya ngayon. "Halika ka nga dito," sabi ng kaibigan at niyakap s'ya. Mahigpit din n'yang niyakap ang kaibigan. Matapos makausap at makahiram ng pera kay Geraldine umalis na s'ya sa condo unit ng kaibigan. Kung saan s'ya ngayon pupunta ay hindi pa n'ya alam. "This is the reality Julia," bulong n'ya sa sarili. Magsisimula s'ya muli ng kanyang bagong buhay. Baka kaya hindi n'ya nawakasan ang kanyang buhay kanina ay dahil may dapat pa s'yang gawin sa buhay n'ya, baka matapos ang sakit at hirap ay kaligayaan naman ang susunod na dadanasin n'ya. "I'm going to start a new life. New Julia Santillan. Not the old one na always nakadepende kay Kuya Dylan at kina Daddy't Mommy," sabi n'ya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD