Linibot pa n'ya sa malawak na asyenda si Julia, kitang-kita n'ya kung gaano ito ka excited at kasaya sa paglilibot nila. Sa tuwing hahalikan at hahaplusin n'ya ito ay hindi ito tumatanggi, gumaganti pa sa bawat haplos at halik n'ya rito. Na angkin na n'ya si Julia ng dalawang beses, nakuha n'ya ang ka inosentehan nito, s'ya ang unang lalake sa buhay nito. Hindi ito nagsisinungaling ng sabihin nitong virgin ito. Nagduda s'ya noong una dahil halata n'ya ang mga pang-aakit nito sa kanya, bagay na talaga naman kinabahala n'ya dahil nahulog s'ya sa pang-aakit nito, nagulo ang isip n'ya at walang ibang nais kundi ang maangkin si Julia. At ngayon nangyari na nga pagmamay-ari na n'ya si Julia, at pakiramdam n'ya nais na ng sarili n'ya na huwag ng pakawalan pa ito. Kilala n'ya ang sarili n'ya pagd

