“Lance,” si Raymond sabay tapik sa balikat ni Lance nang makalapit ito sa kinatatayuan nila. Sa kanya pa rin nakatingin ang mga mata ni Lance. Painosente naman niyang tiningnan din si Lance. “Who’s with you, Raymond?” tanong ni Claire habang sinusuri siya. Itinaas niya ang mukha para ipakita kay Claire kung gaano siya kaganda. Kumunot ang noo nito at pilit siyang kinikilala. Sobrang ganda ba niya at hindi na siya ma-recognize pa ni Claire? “Julia?” hindi makapaniwalang sabi nito. Ngumiti siya kay Claire nang matamis at lalo pang ginandahan ang tayo para ipakita ang magandang katawan niya. Mas petite at matangkad siya kay Claire, at sa nakikita niya ngayong gabi, panalo ang aura niya kesa kay Claire. “Lance, what’s your maid doing here?” tanong ni Claire habang lalo pang sinisiksik a

