Chapter-41

1618 Words

Ramdam n'ya ang munting pag-iyak ni Julia sa loob ng sasakyan, habang nakatingin ito sa labas ng bintana. Hindi n'ya magawang lingunin ito, dahil tila dinudurog ang puso n'ya sa naririnig na mahihinang pang hikbi nito, lalo lang madudurog ang puso n'ya pag nakita n'ya itong luhaan. Wala s'yang intesyong saktan ang damdamin nito, sadyang hindi lang n'ya nagustuhan ang nakita n'yang mesahe sa cellphone n'ya kanina. Hindi n'ya sinasadyang makalimutan ang cellphone n'ya kanina sa silid. Umamin naman si Julia na ginamit nito ang cellphone n'ya, nakita n'yang may tinawagan ito, at tumagal ng halos kulang isanv oras ang haba ng pag-uusap ng kung sino mang tinawagan nito. May mensahe pa ang kausap nito para rito. Julia just call me once he hurt you, I will be there and get you no matter what. I

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD