Chapter-31

1712 Words

Nang umaga 'yon sinama s'ya ni Lance namasyal sa asyenda, hindi na rin naman s'ya isang kasambahay mula sa araw na ito, kaya hindi na s'ya kailangan maglinis pa ng bahay. Nasabi din ni Lance na babalik na si bukas na ang balik ni Manang Nena sa mansyon, kaya hindi na mahihirapan pa si Manang Lumen dahil wala itong kasama sa mga gawaing bahay. Sakay ng Jeep nito una silang nagtungo sa gulayan kung saan naroon si yaya Flor. Nasabi na rin sa kanya ni Lance na pinapaasikaso na nito ang kaso ng lalaking muntik ng makagawa sa kanya ng masama, sinigurado nitong makukulong ang lalaking 'yon. Tinanong rin nito ang bagay tungkol sa ginawa ni Raymond sa kanya, tumanggi na s'yang ireklamo pa si Raymond. Dahil sigurado malalaman na ng lahat kung sino talaga s'ya, dahil makapangyarian din si Raymond.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD