“Julia? What are you doing here?” gulat na tanong niya nang makita niya si Julia sa loob ng silid niya. Nilingon siya nito. Mapungay ang mga matang tumingin sa kanya—halatang may tama na ng alak. Kumunot ang noo niya nang makita ang suot ni Julia. Napalunok siya habang pinaglalandas ang mga mata sa kabuuan ng dalaga. Suot nito ang isa sa mga polo long sleeve niya, habot lang hanggang sa puwet nito at kitang-kita ang mahahabang binti nito. Muli siyang napalunok at ibinalik sa magandang mukha ni Julia ang mga mata. Nakatingin pa rin ito sa kanya. Napaka-inosente nitong tingnan. Wala itong ideya kung gaano ito kaganda at kaakit-akit. Bumaba ang mga mata niya sa dibdib nito. Bukas ang tatlong butones ng polo, sakto lang para sumilip ang mapuputi nitong dibdib. _Damn it, ano ‘to? Bakit siya

