Matapos na niyang malinis ang silid ni Lance, hindi pa rin bumabalik si Lance sa mansyon. Umalis ito kanina kasabay ang dumating nitong kaibigan. Hanggang ngayon, wala pa rin. Naiinip na nga siya kakawait kay Lance. Para siyang asawa na naghihintay sa pag-uwi ng asawa. “Julia, maiwan muna kita ah. Magmeryenda ka na lang diyan,” sabi ni Manang Nena nang madaanan siya nito sa sala. “Saan po kayo pupunta, Manang Nena?” tanong niya at napansin ang kulay itim na bag na bitbit nito. “Sa gulayan. Tumawag kasi si Sir Lance. Nakalimutan pala niya ang bag, kaya pinahatid sa gulayan,” paliwanag ni Manang Nena sa kanya. “Kay Sir Lance?” mabilis na tanong niya. “Oo.” “Ako na lang maghahatid,” prisinta niya. “Ah?” nagtatakang tanong ni Manang Nena sa kanya. “Ako na lang maghahatid para ma

