Pagdating sa mansyon, hindi si Lance ang sumalubong sa kanya, kundi isang kasambahay din. Excited pa naman siyang makita si Lance. Anyway, newly hired siyang kasambahay tapos mag-e-expect siya na ang amo niya mismo ang sasalubong. Malabo nga naman ‘yon. “Sigurado ka bang pamangkin ka ni Manang Flor?” usisa ng kasambahay na si Nena na siya rin makakatrabaho niya. May edad na rin ito, mga nasa kuwarenta pataas. Mukhang mabait at mukha ding tsismosa. “Opo,” tipid na sagot niya. “Ang ganda mo kasi, at ngayon lang kita nakita dito sa asyenda. Parang ang sayang mo naman kung magiging kasambahay ka lang dito,” sabi pa nito. Ngumiti lang siya kahit papano. Hindi siya masasayang dahil may agenda siya kung bakit nasa mansion siya ng mga Sebastian. Tinuro nito kung ano ang mga gagawin niya. Ba

