The meeting starts and an unexpected person joins in. My father. Pinag-usapan kung ano ang mga nakuhang mahalagang impormasyon sa nakarang naging misyon namin sa Berlin. Binanggit rin ang nangyari sa mga modelo na dalawa sa mga ito ay binawian na ng buhay at ang dalawa naman ay kritikal. Sinabi ni Krisandra na maaaring dahil iyon sa gamot na ine-examine nila ngayon. "If only they just let the patient in our care baka mas naagapan pa. Kaso hindi." Si Kris ang nagsalita. Jio was on his laptop, too and he's beside me. Alam naman ng mga kausap ko na narito siya. Brix, Earl, Valin, Xinon and Priq. They're all complete with some of the higher member of the organization. "Hindi natin maaaring ipilit ang nais natin. Mayroon naman na tayong nakuhang impormasyon kahit papaano na magagamit natin

