"Naloloka na talaga ako sa mga kaganapan sa buhay ninyo ni Altheo, ha! iyong pagme-message niya lang sa akin na pupunta siya dito sobrang ikinagulat ko na eh iyong malaman pa pala na nagkausap kayo kagabi! ay talaga naman, Cena, nakapuslit ka?!" We are inside my room, I was so nervous thinking about Altheo and then here is Henri, scolding me. "It was just a coincidence, Henri. Nagkataon na nang lumabas ako ay naroon pala sa fountain si Altheo. Hindi niya rin alam na pupunta ako doon," sabi ko. I was looking at my cell phone, waiting for a message. Pero hindi ko alam kung mas kaninong mensahe ba iyong hinihintay ko dahil sa kaba. Message ni Altheo o message ng mga kuya tungkol sa nangyayari. Sht. "Cena, maupo ka muna, please? sige na at ako ay nahihilo na sa iyo. Para kang hindi maihi

