Sobra naman kasi siya kung magselos. Pati ang bodyguard niya na ginagawa lang ang trabaho ay nadadamay pa sa pagkaseloso niya. Grabe nga ang takot sa kaniya nun. Napanguso ako at nagpatuloy kami sa mabagal na paglalakad sa hardin. "Kung hindi tayo matutuloy sa inyo ay may alam naman ako na maaari natin kainan. Sigurado kasi ako na hindi mo pa masyadong kabisado dito sa Karmona." When I thought he would remain silent, I heard him hummed. Nang huminto siya sa paglalakad ay napahinto na rin ako. Ngayon ay dalawang mga kamay ko na ang kaniyang hawak. Nakatingin siya sa mga iyon, at sa nakikita kong emosyon sa mga mata ni Altheo ay pakiramdam ko ay may problema siya. Wala naman ito kanina. "Are you okay?" I asked. Not wanting to break a good atmosphere but his face was telling me there's so

