Kung mayroon man akong maaaring pagsabihan kung ano sa tingin kong klase ng tao si Rogan ay ang Kuya Sancho iyon. Pero nagdadalawang isip ako dahil nga abala siya ngayon at ayokong sirain iyong magandang kaganapan sa buhay niya lalo na sa mga susunod na araw. Hindi ko sukat akalain na aabot pa sa ganito ang pagkagusto sa akin ng lalakeng iyon. Para sa akin ay parang hindi naman normal ang ganoong klase ng paraan niya. "Cena, what's with the long face? may sinabi na naman bang hindi maganda ang Daddy mo tungko kay Altheo?" tanong ni lola. Kapapasok lang namin sa dining room, hindi pa kumpleto ang mga pagkain sa lamesa. "Mama, ako na naman? tanggap ko na si Altheo at wala na akong pagtututol sa kanila ng bunso ko. Isa pa, we are in good terms. Kinausap ko pero wala akong ibang mga sinabi n

