"Bumalik na ulit sa Manila ang Kuya Sancho mo, marami na siyang kailangan ayusin simula sa susunod na linggo at nagmamadali dahil kabadong baka hindi makatapos sa trabaho bago ang proposal sa ate mo. Ibinilin pala niya anak, huwag na huwag mo daw mababanggit ang plano, ha? baka daw madulas ka," sabi ni mama sa akin nang makarating kami sa kusina at inaayos niya na ang mga gulay, karne at mga iba't-ibang klase ng seafood. Napanguso ako ng bahagya sa sinabi ng mama. Ang kulit ni kuya sa part na iyan pero mukhang inulit niya dahil sa sinabi niya kanina. Ano kaya kung bumawi ako, 'no? kunwari sabihin ko na nadulas ako sa Ate Lili tutal nainis niya ako kanina, pinaiyak pa. "Sige po, mama," sagot ko. Pagkarating naman muli ni Lola Sancha at ni Henri sa kusina ay sabik na sabik sila na inaayos

