"Hindi po tumawag si bossing kagabi, Ma'am?" Iyon ang bungad na salita sa akin ni Jio nang makababa ako ng aking kwarto. Alas otso na ng umaga, kagigising ko lang at nakakaramdam ako ng gutom. Hindi na kasi ako kagabi nakapagdinner dahil pagkaakyat ko at pagkaligo ay nakatulog ako. I was also waiting for Altheo's call and message ngunit wala akong natanggap. "Hindi, tumawag ba sa iyo?" I asked back. Bumaba ang mga mata ko kay Jio habang umiinom ako ng gatas. "Hindi rin, Ma'am. Mukhang busy na busy po." Binuksan ko ang ref at isinauli ang kahon ng gatas pagkatango ko sa sinabi ni Jio. Pagkaharap ko sa lamesa ay saka ko lang napansin iyong mga nakatakip na pagkain. "Iyan lang ang kaya ko ma'am iluto. Hindi ako kasing galing ni sir. Prito-prito lang pero makakain naman po iyan," sabi niy

