"Aaahhh!" Bigla akong napabalikwas nang bangon nang makarinig ako ng tunog na parang may nasusunog. Muntikan na rin akong malaglag sa kama ko dahil doon. Pagkabangon ko at kahit hirap pa sa pagdilat ang mga mata ko ay hinarap ko kung ano iyon--kung sino. When I saw who it was I groaned and rolled back to my bed. Pero nang mapagtanto ko rin kung ano ang nangyari... kung sino ang nakausap ko kagabi sa dulo sa may fountain ay napabangon ako at napatili rin. "Aaahhh!" And now it's Henri's turn to be surprised. Lumapit siya agad-agad sa akin at nagkasabay pa kami ng pagsasalita. "What happened?!" "Why ka sumigaw?!" First, ano ang ginagawa niya dito sa kwarto ko? hindi ko ba nailock ang pinto? hindi ko na rin kasi maalala dahil inaantok na rin talaga ako pagkabalik ko. Tanda ko na wala na

