"Sino na nga iyong tumulong sa akin nang madapa ako kanina at ma-sprain ang ankle ko, Ashley? k-kaibigan ng Kuya Arthur, hindi ba?" kabado ako sa pagtatanong dahil alam ko ang maaaring isipin ng kaibigan ko. Medyo kilala na rin niya ang ugali ko at hindi ako basta-basta nagiging interesado sa mga bagay maliban na lang sa pag-aaral. "Ah? si Kuya Theo? bakit type mo?" Sa biglaang tanong niya ay agad na nag-init ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko iyon inaasahan dahil ang gusto ko lang naman malaman, eh. "T-Type agad? hindi ba pwedeng gusto ko lang magpadala ng sulat bilang pasasalamat sa ginawang pagbuhat sa akin s-saka siya rin iyong nagmasahe ng paa ko." Naningkit naman ang mga mata niya at pinalo pa ako sa aking braso. Napadaing ako sabay himas sa parteng nasaktan. Sinasabi ko na nga

