Galit ang aking mga mata na nakatingin kay Altheo. Hindi ko gustong tapatan iyong nararamdaman niya pero pakiramdam ko ay sobra naman kasi. "You just told me recently that you were on a mission that time! and right now kung papipiliin ako kung gagawin ko ba ulit na hindi sabihin sa iyo ay oo. I will not tell you. I just did a right damn thing na hindi sinabi sa iyo sa Berlin ang tungkol kay Rogan. Dahil kung sinabi ko ay uuwi ka sa akin at paano iyong trabaho ninyo? papano iyong mga modelo?" "Ayokong mapasama ka sa ama mo at sa mga kasamahan mo that's why I did--" I stopped from talking when he suddenly get up. Nakaawang ang mga labi niya habang nakatingin sa akin. Nabigla rin ako sa ginawa niyang pagtayo at paglapit kaya mapapaatras na sana ako pero nahuli niya ang aking mga braso.

