Celestina Akala ko ay namamalikmata lang ako. Akala ko ay niloloko lang ako ng paningin at pakiramdam ko dahil sa ilang araw na pag-iisip kay Altheo. Pero hindi ako nagkakamali na narito nga siya mismo sa harapan ko. Hawak at yakap ako ng mahigpit. "Baby ko..." he said. The feeling when he’s calling me that endearment never changed. Pero nang muling tumama sa aking mukha ang mainit niyang hininga ay napakunot ang noo ko. Wait! Is he drunk? again? We can’t talk about what happened if he is! "A-Anong…" sandali ko siyang itinulak, nakalayo lang ang mukha kaunti at hindi pa rin niya ako binibitiwan. Ang kanang kamay niya ay nasa aking likod at ang isa ay nasa aking batok. "Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? s-saka paano kung nahuli ka ng mga tauhan ni Dad? n-ni Kuya Sancho?" sun

