(Dwayne's POV) Walang tigil ang ulan, sinasabayan noon ang pananahimik ni Duchess mula pa noong malaman niya na nagkita si Gill at Humfrey. She’s quiet, siguro naisip niya na hindi naman niya mapipilit si Humfrey kung gustuhin niya ring lumapit kay Gill. Pero nakakapagtaka rin talaga ang dalawang ito, bigla na lang din kasi silang hindi nagpansinan. Para talaga silang may something, pareho rin silang tahimik at parang iniiwasan nila ang isat-isa. Marahil iyong mga kasama namin madalas ay nagtataka na rin, lalo na ang mga kapatid niya nakikita ko nagtataka rin sila. Sabagay, kahit naman ako nagtataka rin eh. Bakit nga kaya? Napatingin ako sa veranda dito sa second floor ng dorm namin ng mapansin kong may tao doon. At ng makita ko si Duchess ay nilapitan ko na lang din agad siya at paglapi

