JHONALENNES POV:
Napakurap mata ako at ipinagpatuloy ang pakikinig sa aming panauhing pandangal.
“Maaaring may mga pangarap ang inyong mga magulang para sa inyo. Maaaring may mga inaasahan ang inyong pamilya, at maaaring naniniwala ang mga taong nagpalaki sa inyo na alam nila kung ano ang pinakamabuti para sa inyo. And most of the time, they may be right. They may have sacrificed more than you will ever know just to give you a better life.”
Napatingin ako kina Papa at tahimik pa rin silang nakikinig at nakayuko.
“Gayunpaman, hindi dapat maging tanikala ang pagmamahal na hahadlang sa isang tao na piliin ang sarili niyang landas. Ang paggabay ay hindi dapat mauwi sa pagkontrol, at ang pagprotekta ay hindi kailanman dapat gawing dahilan upang agawin ang kalayaan ng isang tao.”
Napahigpit ako ng aking dalawang kamao kasabay ng pagkakalunok ko ng madiin sa sariling laway.
Sa isip ko.. What the hell?
Bakit parang masyadong personal ang mensahe ng lalaking ito?
“Parents and guardians, this part of my message is also for you.”
Dahan-dahang inilibot ni Mayor Adrius ang kanyang tingin sa mga pamilyang nakaupo sa harapan ng entablado.
“You have spent years protecting your children, guiding them, and preparing them for a world that can be cruel and unforgiving. You have every reason to worry about their safety. You have every reason to hope that they will make the right decisions.”
Bahagya siyang tumango na tila kinikilala ang bigat ng responsibilidad ng bawat magulang.
“I salute you! But remember, raising a child does not mean owning their future. Your greatest achievement is not seeing them become exactly who you want them to be. Dahil ang tunay nating layunin ay ang makita silang maging mga taong kayang tumayo sa sarili nilang mga paa, nauunawaan ang pagkakaiba ng tama at mali, at may lakas ng loob na piliin ang tama kahit mahirap itong gawin.”
May ilang mga magulang ang napangiti at pumapalakpak at ang iba naman ay tahimik na nakinig.
“Because one day, you will not always be there to make decisions for your children. One day, they will have to face consequences you cannot protect them from. And when that day comes, I hope you have given them something far more valuable than obedience.”
Huminto na naman siya at ako'y napalunok na naman ng madiin.
GRABE! naibulong ko.
“Give them the courage to think for themselves. Give them the wisdom to question what is wrong. And give them the freedom to become better than the people who came before them.”
Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na unti-unting nabubuo sa dibdib ko dahil may kung anong bigat sa mga salitang binibitawan niya.
Hindi dahil hindi ko nauunawaan ang ibig niyang sabihin, kundi dahil may mga bahagi ng buhay ko na tila biglang nabigyan ng ibang kahulugan dahil sa mga sinabi niyang iyon.
Ang limang Papa ko ang nagturo sa akin ng disiplina. Sila ang humubog sa akin upang maging matatag, mabilis mag-isip, at hindi matakot sa panganib.
Ngunit sila rin ang nagtakda ng landas na dapat kong tahakin.
Minsan, naisip ko kung ano kaya ang magiging buhay ko kung pinayagan nila akong sundan ang una kong pangarap?
Kung naging doktor kaya ako, masaya pa rin ba ako? O kung hindi nila ako sinanay upang maging isang sandata, sino kaya ako ngayon?
Muli ko na namang ibinaling ang tingin kay Mayor Adrius.
“Now, to our graduating students, especially those of you who will soon wear the badge of a law enforcer, remember that authority is a responsibility, not a privilege to do whatever you please.”
Nawala ang bahagyang ngiti sa kanyang mga labi at naging mas seryoso ang kanyang tinig.
“You will encounter people who will test your patience. You will meet individuals who will try to influence your decisions. Darating ang mga pagkakataong magiging mahirap ang pagsunod sa batas, magiging mapanganib ang pagsasabi ng katotohanan, at ang paggawa ng tama ay maaaring magdulot sa inyo ng pagkawala ng isang bagay na lubos ninyong pinahahalagahan.”
Tahimik na namang nakinig ang lahat, napakatahimik na animo'y parang may mga anghel na dumaan.
“When that happens, ” pagpapatuloy niya. “Remember why you chose this profession. Justice cannot be built on fear. Peace cannot be achieved through intimidation. And no family name, no position, no amount of wealth, and no personal relationship should ever place anyone above the law.”
Sa pagkakataong iyon, may kakaibang pagbabago akong napansin sa mukha ng mga Papa ko.
Lalong tumigas kasi ang panga ni Papa Sherwin. Si Papa Logan ay bahagyang sumandal sa kanyang upuan, ngunit nanatiling nakatuon ang mga mata sa mayor.
Si Papa John naman ay napayuko sandali bago muling tumingin sa entablado.
At si Papa Leo—halos magtama na ang kanilang mga mata ni Mayor. At hindi ko alam kung nagkataon lamang iyon, ngunit sa isang saglit ay tila may hindi nakikitang usapan sa pagitan nilang dalawa.
Isang usapang walang salita, isang bagay na alam nila ngunit hindi ko makita.
Mabilis kong ibinaling ang tingin sa Alkalde, ngunit hindi ko na naalis sa isip ko ang ekspresyon ng mga Papa ko.
Ano ba ang nangyayari sa inyo? Bakit parang hindi lamang isang simpleng panauhing pandangal ang kaharap ninyo?