Chapter Thirty-four -Khen- Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mata, nakahiga pa rin ako sa kama namin ni Camille habang nakatingin sa kisame at napapangiti na lang ako dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon. Ewan ko ba kung bakit pero sa tuwing maiisip kong naikasal na kami nito ay kinikilig pa rin ako. Mas lalo ako napangiti ng makita kong papasok ang aking mahal na asawa na may dalang pagkain, masaya din itong lumapit sa akin at binababa sa isang mesa ang dala nitong tray at mabilis na hinalikan ako sa aking pisngi. “Good morning mahal ko” Nakangiti nitong sambit sakin. “Good morning mahal and I love you wife” Lambing ko naman sagot dito. Natawa pa ito ay sumobsob sa dib-dib ko, niyakap ko naman ito ng mahigpit at ilang sandali pa ay nagsimula na rin kaming kumain

