Chapter Twenty-four -Albert- Nabalot kami ng katahimikan ni Hannah alam ko na nahihiya rin ito sakin, hindi nito alam na narinig ko lahat ng sinabi ni kay Camille. Ang totoo ay may kasalanan din ako sa kanya dapat sana ay inalam ko muna ang totoong nangyari hindi ung basta ko na lang ito iniwan na hindi ko naririnig ang paliwanag nito. Alam ko sa sarili ko na matinong babae si Hannah, halos hind nga ito lumalabas ng bahay at ako lang din ang unang boy-friend nito. Kaya naman masakit sakin na malamang may ibang lalaki itong nakatabi bukod sakin. “Sorry Albert, wala akong balak na manggulo hindi ko rin alam na narito ka. Regular na kasi akong naghahatid ng mga bulaklak dito. Si Amber ang nagsabing pwde akong magdeliver dito tuwing makalawa. Hayaan mo at uuwi na ako para hind imo na ako

