Snow's POV Naging regular ang kasiyahan tuwing nananalo kami. Pati nga rin si Headmaster ay nakisali sa hapag. Naging mas maingay tuloy ang kainan dahil hindi ko inakala na makwela pala itong si Headmaster at mukhang close ito sa hari at reyna. "After this, Elites, I need to talk to you." Saad naman ni Headmaster na pasimple lang ngumuya. Ano na naman kaya ang sasabihin nito? Mukhang hindi naman gaanong inportante basi sa mukha nito. "Sure." Sagot naman ni Luna at tumango lang naman kami. Si Yuan naman ay parang wala lang pakialam. Si Osiris naman ay sobrang tahimik lang sa tabi at hindi na ibinibida ang sarili. Mukhang nawalan na ito ng matinding kapit, lalo na ang reyna dahil mahahalata mo naman rito ang kayabangan kung may matindi itong kapit. "But you guys there are way too aweso

