Snow's POV
Naging mabilis ang araw at natapos na rin ako sa aking supplemetary class. Naging maluwag ulit ang schedule ko at kahit papaano ay nakakapagpahinga na ako ng sakto tuwing gabi. Dahil sa paghahabol ko sa Elites ay kinailangan ko ang puspusan na pag-aaral para mahabol ko lang sila. I need to vacant my afternoon class kaya pilit kong pinagkakasya lahat sa umaga.
Akala ko nga noon una ay hindi ko kakayanin. Nasa isipan ko na nga ang sumuko at maging regular student na lang sa Academy pero pilit din naman na sumisingit sa pride ko si Yuan. Naiisip ko pa lang na sasabihin ko na hindi ko na kaya, I can already see his mocking face towards me at kahit imagination pa lang yun ay naiinis na ako. I should make him amazed over me, kaya imbes na magquit ay pinagpatuloy ko pa rin.
Kaya ngayon ay balik na ulit ako sa normal. Pero kung kailan naman ako naging normal tsaka naman may isa sa amin na umaakto ng hindi normal. Napapansin namin ang kakaibang katahimikan ni Jin. He's always isolating himself. Kung dati ay nakikihalubilo pa ito sa amin, ngayon ay halos hindi na namin ito nakakasama. Nagkukulong ito sa kwarto niya. Si Jin na tahimik ay mas lalo pang nanahimik at tila may malaki itong problema na dinadala na hindi naman sinasabi.
Lahat kami ay nakakahalata na pero kung tatanungin naman ito ni Yuan ay nagdedeny naman at sinasabing wala daw siyang problema. Naging ganoon siya sa mga nakalipas na araw at tsaka laging nagkukulong sa kuwarto. Dati kahit tahimik ito ay nakikisama naman din kahit papaano, ngayon parang lahat kami iniiwasan. Talo pa namin ang may ketong na sakit sa pagkakaiwas niya sa amin.
"What is wrong with him? Is he angry on something?" Naiiritang tanong ni Violet. Naiintindihan ko kung bakit siya naiirita. Kahit sino naman siguro kung biglang ganoon na lang ang pakikitungo ng kasama mo sa iyo.
Si Violet ay napaka-vocal to the point that she's being offensive sometimes, but I find her nice naman kahit papaano, hindi lang talaga siya plastic. Kung ayaw mo ng plastic an kaibigan, ibig sabihin handa ka ng mainsulto araw-araw.
"I don't have any idea what is going on. He's acring weird." Sagot naman ni Avis.
"Maybe, a process of adolescence?" Saad ko. Wala akong ibang maisip dahil wala naman kaming ginawang ikakagalit nito.
Natawa naman si Luna. "He is 21, he is an adult already." Natatawang saad naman ni Luna.
"I know. Then what's the problem? He's no longer a teenager but with this actions right now, he's like a rebel son." Naitanong ko ulit.
"Let's just wait until he decide to tell us." Saad ni Yuan. He remains cool and looks like it doesn't matter to him.
Nagpasya na lang akong nanahimik. Whatever the problem is, I believe it is heavy and a burden to Jin.
•••
Papunta ako sa headmaster's office para ibigay ang listahan na pinabibigay ni Yuan. Inutusan ako nito kasi ako yung pinakabata sa kanila at pinakabago. That is their rules and it needs to be adhere. Hindi naman gaanong malayo ang office ni Heamaster Kier but it is quite a walk naman.
Nadatnan ko na wala yung secretary niya sa labas. Usually, sa secretary lang niya dumadaan ang lahat o kung may ipapasa ay ito na yung nagbibigay sa loob. Himalang wala ito ngayon sa desk niya. Napansin ko naman na medyo bukas ang pintuan ng headmaster office kaya napagpasyahan ko na pumasok na lang dahil wala yung secretary.
I touched the handle of the door and about to push it open but I heard voices inside.
"Headmaster, the case in the city of Windolia is not good. Few people are missing and the number f people missing is increasing. They don't have any information where are these people been taken." Saad ng isang boses na hindi pamilyar sa akin.
"The king already sent an official Elite Knights to investigate your continent. I don't have any update yet." Sagot naman ni Headmaster sa lalaking kilalang kilala ko ang boses.
"And I think you should not expect any update Headmaster. All knights have been sent there has never returned." Sagot nito na halos magtayuan ang balahibo ko sa narinig.
Nanlaki naman ang mga mata ko. The talk seems very serious and I feel like I am not suppose to hear it. And they said Windolia, sapagkakaalam ko lupain yan ng mga Sel Monroe, pag-aari nila Jin!
"3 went missing? How did it happened? Is this a bandit's doing?" Nag-aalalang tanong na ni Headmaster.
"According from the villagers, every night there is unusual noise outside and in the morning, another person is missing." Sagot nito.
Nakakabahala nga ito. Pero ito ba ang dahilan kung bakit ganito si Jin? Alam na ba niya na may nangyayaring hindi maganda sa kanilang lupain?
"Ms. Sylveria?" Biglang tawag sa akin ng secretary ni headmaster na hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala.
Naitulak ko tuloy yung pintuan dahil sa gulat. Grabe muntik na akong atakihin sa puso dun ah. Ni wala man lang pasabi o kaya hindi ko man lang naramdaman ito na lumapit.
"Snow?" Naiusal naman ni Headmaster na ngayon ay sa aking gawi na nakatingin.
Tabinging ngiti naman yung naibigay ko. Alam mo yung nahuli ka sa akto or like you were caught stealing cookies from a cookie jar. Ganitong ganito ang pakiramdam ko. I feel like I am a criminal.
"Yes, headmaster." Sagot ko dito. "I-I am here to submit this paper, but no one is outside." Paliwanag ko dito.
"Did you hear it?" Tanong nito na akala mo ay siguradong sigurado ito na narinig ko ang pinag-usapan nila.
Gusto kong magsinungaling but there is no sense. Alam ko na alam nito na narinig ko ang pag-uusap nila ng lalaking hindi ko kilala.
"Yeah?" Sagot ko rito. Napalunok pa talaga ako dahil syempre kinakabahan ako.
"You are not suppose to hear it but, this is not a secret as well." Saad nito at tinanggal ang suot na salamin sa mata. "Give the paper to Vanica and you can go. And I trust you not spread rumour about it." Saad nito.
Gusto ko naman taasan ng kilay ito. Hindi ako chismosa para ipagkalat yun. But somehow, I was happy na narinig ko ito dahil kahit papano ay may ideya na ako kung bakit nagkakaganun si Jin.
"Yes, headmaster." Sagot ko rito.
Umalis na ako sa office ni headmaster at bumalik na ako sa dorm. Pagdating ko ay ganun pa rin ang sitwasyon ng dorm pero nadatnan ko si Yuki na nasa living room at kausap si Luna at Avis habang si Violet ay nakaupo lang at nagbabasa. Si Yuan, ewan baka nasa kuwarto niya. Hindi ko ito makita dito sa living room.
"Yuki!" Bati ko rito.
"Snow!" Ganting bati nito at tsaka niyakap ako nito. Kung makayakap eh akala mo hindi kami nagkikita araw-araw di ba? But that's how close we are. "Nagkukwentuhan kami rito dahil si Jin daw malungkot." Saad nito.
Aba at i-chinismis pala ng dalawa ang sitwasyon ni Jin. It cannot be helped since crush ng bruhang to si Jin. Natural na sisilay ito sa crush niya at magtataka ito kung bakit ganun si Jin. But it would be better na wag sabihin sa kanila ang mga narinig ko. I am not in the position to say it. Ni hindi nga masabi ni Jin sa amin kung ano ang problema tapos ako pa talaga ang magkukwento.
"Yeah. Yung crush mo, nananahimik ng to the highest level. Akala mo kamag-anak ni Mr. Bean." Saad ko dito.
Nanlaki naman ang nga mata. "Grabe ka ah! H-hindi ko siya crush! Nagtatanong lang ako, masama na ba yun?" Defensive na sigaw nito.
The more she screams, the more it is confirmed. Hindi ito marunong magtago ng feelings. Masyadong halata, kulang na lang ipagsigawan na eh. Di tulad ko na magaling. Proud pa talaga ako eh no?
"Sabi mo eh." Saad ko na lang rito para matahimik na ito.
Si Luna naman at Avis ay natatawa dahil nga kahit sila ay syempre nahalata itong si Yuki. Namumula pa yung mukha eh. Akala mo kamatis na nasobrahan ng hinog.
"By the way, Windolia yung lugar nila Jin di ba?" Tanong ko kina Luna.
Tumango naman si Luna. Tama, magpinsan pala si Luna at Jin. Yung ama nila ay magkapatid parehong air user pero yung mama ni Luna ay galing sa angkan ng mga light user from the land of Lithe. Doon na rin sa Lithe nanirahan ang ama ni Luna dahil sa royal blood ang mama ni Luna na tagapagmana ng lupain.
"Do you happen to hear any news from Windolia?" Tanong ko kay Luna.
Umiling naman ito. "I haven't heard anything yet. Why?" Tanong pa nito. Mukhang nagtataka ito dahil sa kung ano ang interes ko bakit ako nagtanong.
"Well, I am just a bit interested with their popular resources." Sagot ko rito. 100% lie dahil wala naman talaga akong kainte-interes sa kahit anong resources.
"Well, it is popular for best coats in the country. Since Windolia is a city where it snows all time of the year." Saad nito.
Tama. Sa windolia, ay isang kontinente ng Universe kung saan ay iisa lang ang klima kundi ang taglamig. The place even in the pictures are white and snowy. May pakonti-konting araw doon but not enough to melt down the ice.
"Hindi ko pa naranasan makapunta sa isang malamig na lugar kagaya ng Windolia." Saad ko.
"Well your name is Snow. And the place is really awfully cold. I don't think you will like the climate there." Saad naman ni Avis na akala mo ay nakikinita na niya ang future ko.
Lame joke. He may be trying to make a joke out of it pero hindi nakakatawa. Siguro na rin dahil sa nalaman ko na sitwasyon ng Windolia.
"Did you submit the paper?" Tanong ni Yuan na hindi ko napansin na pumasok na pala sa living room.
"Yes. I did." Sagot ko rito and trying to act cool.
"Hhmm. Ok, but everyone pack your things. We are going to travel." Saad ni Yuan.
Puzzled naman kami sa sinabi nito. Magtatravel kaming lahat? Like we are going to a trip?
"Huh? What do you mean? Vacation?" Tanong ko. Wala akong ibang maisip na dahilan para sa travel na ito. Tsaka, malayo pa din yung semestral break.
"Just pack up." Saad nito at umalis na sa living room at iniwan kaming nagtataka.
"Do you have an idea what was he talking about?" Tanong ko kay Luna pero yung mga mata ko ay nakatitig pa rin kay Yuan na ngayon ay paakyat sa hagdanan.
"Well, I am not sure as well." Saad ni Luna sa akin.
"Mission." Maikling saad ni Violet.
Napatingin naman ako rito. Mission right? I heard it correctly!
"We will have a one?" Tanong ko rito.
Tumango ito. "I believe so, since we don't go with stupid vacation and that is the usual term of Yuan if we have an upcoming mission." Mahabang saad ni Violet na nagbabasa pa rin ng libro.
Nanlaki naman ang mga mata ko. This means, this is my first mission as an Elite and as a student! I feel excited to the point my worries about Windolia was vanished on my thoughts for a moment.