Kabanata 2

1259 Words
KABANATA 2  DRUNK Wala sa loob na naglakad ako pabalik ng lamesa namin. Naroon na sina Savinna at ang ilan pang kasama sa grupo ngunit hindi ko namataan doon ang nag nagngangalang Tunner. Hinanap ito ng mga mata ko at namataan ko siyang nakaupo sa isang stole doon kaharap ang bar counter. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya at lakas loob na naupo sa katabi niyang stole chair. "One scotch, please." Hiling ko sa bartender. Matapos ko iyon sabihin ay bumaling ako paharap dito. He played the rock glass on his hand and drink it straight after. I could feel the heat run down through his throat. Hindi ko mapigilang pag-initan ng dalawang pisngi. Lalo pa nang maglakbay ang mga mata ko sa kaniyang basang labi. He then slowly licked his wet lips sexily. Parang mas nalasing ako sa epekto ng ginawa niyang iyon. And then ice falls against the glass. Doon ako tila nahimasmasan at nagtanggal ng bikig sa lalamunan bago ako pukawin ng bar tender. "Here's your drink ma'am." Agad ko iyon hinila at walang pasabing nilagok ng inom. Gumuhit ang pait niyon sa aking lalamunan kaya hindi ko mapigilang umiling. "You're drunk," aniya sa'kin. "No, I'm not." Hindi ko napigilan sinukin sa huling tagay ko kaya't nang hingi pa ako ng isang baso sa bar tender ngunit sinalinan na niya ang baso ko ng alak sa bote na hawak niya. "Are you getting used to it? Drink with someone you barely know?" Nagkibit balikat ito matapos niya iyon sabihin. Napalabi ako sa kaniyang tinuran. Bahagya pang sumulyap sa'kin ang bar tender na nagpupunas ng baso sa bandang gilid ng mahabang lamesa. Huminga muna ako ng malalim bago muling saidin ang alak na nilagay n'ya. Napangiwe ako, paano'y iba ang lasa nito sa scotch na ininom ko kanina. "I just wanna have some fun tonight and add a little spice to it. Besides, I already know your name, Tunner, right? But you don't know mine." I shot back. I heard his sexy chuckled. Damn it. Why do he need to do that in front of me. Nakita kong sumungaw ang mapuputi nitong mga ngipin matapos ay sumulyap sa'kin. Umikot ng bahagya ang upuan nito paharap na ngayon sa'kin. His arm rested at the table while still holding his rock glass. "What is your name then?" He arced an brows at me, tila sinusubukan akong patulan sa trip ko. "Thanks for asking but I don't give my name to someone I bravely know." A soft smile plaster on my face. Pakiramdam ko ay nakaganti na ako sa mga sinabi n'ya sa'kin kanina. I saw how his jaw working so hard at my remarks. Muli niyang sinalinan ang aking baso. "You are the face of Red Bliss Apparel. You are the only heiress of Buenaflor and work as the CEO," aniya habang hindi inaalis ang mga titig sa'kin. My lovely lips dropped. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kaniya. "Now, can you tell me your name?" His lips settled into silly smirked. Tinungga ko muna ang laman ng aking baso bago ako humarap muli dito. "Good thing you did your homework." "Your life is an open book. Hindi maghirap kilalanin." Humilig ito pabalik sa bar counter at muling nagsalin ng isa pang tagay bago muling nagsalita. "Anong ginagawa ng isang mayamang katulad mo sa lugar na ito?" "As I said, I simply want to go out and have a good time tonight." I smiled softly and shrugging my shoulder. "What fun do you want to try, then?" he asked in low husky voice. His eyes that already flatters me look so damn serious at this time. Biglang tumuwid ang likod ko sa klase ng tanong niya sa'kin. Mabilis rin akong sumulyap sa bartender na siyang abala na sa ibang customer hindi malayo sa amin matapos ay iibinalik ang pansin sa kanya. Muling sumagi sa isip ko ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa club at nagpapakalango sa alak. It's Luke, my bastard fiancé. Pumikit ako ng mariin para pigilan ang bumabangong inis para dito. Muli na naman gumuhit ang kirot sa puso ko at ang lahat ng tinahi niyang kasinungalingan ay tila paulit-ulit kong naririnig sa tainga ko. "All I want is to get drunk and forget everything about him!" May pait sa bawat salitang binitiwan ko. Muli ay nasumpongan ko ang alak sa aking harapan. Inubos ko at sinaid ang laman niyon bago ibagsak sa lamesa. "Hmm... sounds awful." He shrugged and sipped on his drink. Ngumiti ako ng mapait. Sumulyap ako sa dance floor, paano'y nagkakasiyahan na naman ang grupo nina Savinna sa gitna dahil sa nakaka-enganyong tugtog. Lasing na lasing na ito at inaakay na ng nobyo niya upang muling maupo ngunit tila ayaw nitong papigil. Tila gusto pang magawala sa gitna ng danceflor. "Want to dance again?" he asked. Bumaling ako ng tingin dito. His luminous ocean like eyes sparkled and his brows tugged upward. Higit ko ang paghingai nang bumaba ang tingin ko sa labi nitong sadyang mapula pa sa makopa. "Sure..." Tila nababato balani kong sagot dito. Muli niya akong giniya sa gitna ng dance floor. Dahil lango na rin ako sa alak at silaw ang mga mata sa nagkikislapang ilaw ay nagpantangay na lang ako sa gusto n'ya. Kung kanina ay nasa timing pa ako ngayo'y tila saliwa na ang parehong paa ko. May pagkakataon pa ngang natatapakan ko siya mismo, hindi ko naman mapigilang humalakhak sa saliw ng musika. D*mn, mukhang lasing na lasing na talaga ako. As I spun around, my hands remained firmly gripped on Tunner. Kulang na lang ay mawalan ako ng panimbang kung hindi lang n'ya hawak ang kamay ko. Kung hindi lang niya nahagip ang likuran ko palapit sa kaniya ay baka sumubsob na ako sa sahig. Halos mapamura naman ito nang dumikit na nang tuluyan ang katawan ko sa malapad niyang dibdib. I grabbed his both shoulders and laid my head at his chest. Sh*t, I'm a little woozy, but not too much. Tumingala ako dito. There is something about him that excites me. My blood pulsing wild as I searched his dimly eyes. Ang patay sindi na ilaw ay hindi sapat upang hindi ko makita ang pagkislap ng mga mata nito sa'kin. His lips only have an inch away from me. Kung kanina'y naka-alalay lamang ang hawak n'ya sa'kin ngayon ay tila ayaw na akong pakawalan sa mahigpit nitong pagyapos. Spells revolve around me, I guess that's attraction. Pilit ko mang itanggi ay tila na nabihag ako ng mga titig n'ya. "This is ridiculous..." Umiiling kong sinabi. He lower down his head and whispered to my ear, "You're totally drunk, Red..." He called me by my second name and it feels so good. Pumikit ako at ninamnam ang mainit niyang hininga sa puno ng aking tainga. Dumilat ako at lakas loob kong sinalubong ang mga titig niya. "I want to go somewhere else." Hindi ko na napigilang isatinig. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ko ba talaga gustong pumunta. Tiyak kasi na nasa condo ko na si Luke at hinihintay ako kaya ayoko na lang umuwi muna. Nakita kong naglaban ang panga niya, halos matunaw naman ang hiya ko nang tumitig ito ng diretso sa aking mga mata. Tila pilit na hinahanap ang katotohanan sa mga sinabi ko. I'm serious about it. This is my way of getting back at him for all he did to me! "Let's get out of here!" Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita dahil hinila ko na siya palabas ng naturang club...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD