SERENITY Inatake si papa pagkatapos niyang marinig ang pangangaliwa ni Tita Beatrice. Kasalukuyan ko siyang binabantayan ngayon at baka hindi ako makapunta sa birthday celebration ni Kuya Lucas. Hindi sana mangyayari ito kung pinigilan ni Leren ang kaniyang sarili kagabi. She's too impulsive and emotional that's why she can't control her feelings that time. Pinapagalitan ni Kuya Ferdinand si Leren at ayokong makisali sa usapan nilang dalawa. I smiled when I saw Madam Bea's worried eyes. Hindi ko mautusan si Shane dahil nagkasakit siya kaya nakisuyo na lang ako sa manager ko na siya na lang ang kumuha ng gagamitin kong damit sa bahay. "Dinala ko na ang kontrata na pipirmahan mo para hindi ka na dumaan sa agency." "Salamat madam," hindi ko na binasa kung ano ang nakasaad sa kontrata dah

