MAXIMILLIAN "Bro, tutunganga ka na lang ba diyan? Tang ina, hindi basta-basta ang karibal mo!" sigaw ni Lucas sa akin. Kanina pa siya lakad nang lakad sa harapan ko at nababahala siya na baka bastedin ako ng kapatid niya. Binalita agad ni kuya sa amin nang malaman niyang nililigawan ulit ni Dominic si Serenity. Nasaktan ako ng kunti dahil nag-expect pa naman ako na hindi na siya mag-e-entertain ng ibang lalaki. Ayokong ipahalata na kinakabahan ako ngayon kaya nagpanggap ako sa kanilang harapan na kunwari ay kalmado lang ako at hindi affected sa balitang nalaman ko. "Galingan mo ang mga moves mo, Max. Kasi kahit na boto kami sa 'yo, wala kaming magagawa kung si Dominic ang pinili niya. Because at the end of the day, si Serenity ang mag-de-decide kung sino sa inyong dalawa ang pipiliin n

