SERENITY Maraming negative na nangyari ngayong week na ito. Away doon, away dito. Mabuti na lang at binibisita ako ni Dominic gabi-gabi para i-comfort ako. Lahat ng hinanakit ko ay nilabas ko sa kaniya. Sobrang unfair ni daddy dahil palagi na lang niyang pinapanigan si Leren. Harap-harapan niyang pinapamukha sa akin na hindi niya ako mahal. Ang sakit kasi anak niya rin naman ako at may feelings din ako. Sensitive na kung sensitive pero hindi man lang niya pinagalitan si Leren at pinagsabihan na mali ang ginawa niya sa akin. Nagseselos ako kasi sobrang nag-alala siya nang mapansin niya ang balikat ng kapatid ko at ni hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. "Earth to Serenity Hope Chavez! Hoy, kanina ka pa tulala." Kanina pa salita nang salita si Elena pero ni isa ay wala akong

