SERENITY Napahawak ako sa aking ulo nang magising ako. Nakahinga ako ng maluwag nang makumpirma kong nasa loob ako ng aking silid. Kadalasan kasi sa napapanood kong palabas ay kapag lasing ang babae ay kinabukasan hubot-hubad na siya at may nakabalot na puting kumot sa katawan niya. Dahil may naka-one-night stand na pala siyang isang gwapong mayaman na lalaki. Mabuti na lang at hindi nangyari ang ganoong eksena sa akin. Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape para naman mahimasmasan ako kahit konti. Pilit kong inalala ang mga pinaggagawa ko kagabi subalit wala akong maalala at blangko ang utak ko ngayon. Ni hindi ko nga alam kung sino ang naghatid sa akin dito sa condo unit ko. Hinding-hindi na talaga ako iinom ng alak, first and last try ko na iyon. Naparami kasi ako ng inom kaga

