DOMINIC "Nasaan ang anak ko?" naluluha na tanong sa akin ni Mrs. Huervas. Sana ay hindi ko na lang siya pinigilan kanina. Ang tanga mo, Dominic! Sana ako na lang ang nasagasaan. "Nasa emergency room po," si Madam Bea ang sumagot. "Napanood ko ang balita at halos atakihin ako sa puso nang makita ko si Serenity na nakaposas ang dalawang kamay niya. At ano itong narinig kong ikakasal na siya?" Napakamot ako sa aking ulo dahil hindi ko alam kung paano i-explain sa kaniya ang sitwasyon ng anak niya. Mahirap din kasing makisawsaw sa mga nagaganap sa kanilang pamilya dahil boyfriend lang naman ako ni Serenity at wala akong karapatan na manghimasok sa problema nila. Ang magagawa ko lang ay tulungan siya at suportahan sa kung ano man ang magiging desisyon nito. "Ano po kasi Mrs. Huervas, na

