SERENITY Hindi ako mahilig mag-browse sa internet pero nang mag-text si Elena sa akin ay napa-open agad ako sa solo, sora, soga account ko. Ang daming notifications, friend requests at messages na natatanggap ko. Ano ba ito, hindi ko inaasahan na magiging famous ako bigla. Puro positive comments ang mga nababasa ko at ang sarap pala sa pakiramdam na may nakaka-appreciate sa 'yo. "Congratulations anak, nakita ko 'yong malaking billboard mo kanina. Grabe, super ganda mo doon sa picture." "Thank you po," nandito na naman si mama sa unit ko at napapansin ko lately na palagi na siyang dumadaan dito. "Serenity, may favor sana ako sa 'yo." Sabi ko na nga ba, may gusto na naman siyang ipagawa sa akin. Saka lang naman niya ako lalapitan kapag may kailangan siya. Pero kapag wala ay parang h

