SERENITY "Girl, nag-away ba kayo ng boyfriend mo?" Naririndi na ako sa mga tanong nila at kanina ko pa gustong busalan ang bibig ni Shane. "Hindi, bakit mo natanong?" "May dalaw ka ba ngayon? Ang sungit mo kasi at tignan mo ang itsura ni Mr. Suarez, parang pasan na niya lahat ng problema." Isang araw nang hindi ko pinapansin si Dominic at hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin ako sa kaniya. Oo, mahal ko siya pero it doesn't mean na magiging marupok na ako palagi. "Alam mo Shane, malapit ng magsimula ang shoot ko kaya bilisan mo na ang pag-aayos sa akin." Pati ang personal assistant ko ay nadadamay dahil mainit talaga ang ulo ko ngayon. Nasa kabilang room si Tita Rose at si Madam Bea naman ay inaayos niya ang susuotin ko bukas sa party. Nagulat na lang kami nang may matanggap kaming

