DOMINIC Sana ay hindi ko na lang sinama si Serenity sa family dinner namin. Gulat na gulat ako sa ginawa ni mommy sa kaniya. Hindi ko lubos akalain na kaya niyang sabuyan ng tubig ang girlfriend ko. "I'm sorry babe, it's my fault. Gusto ko lang naman na pormal kitang ipakilala sa mga magulang ko pero it turned out na minaltrato ka ng mommy ko." Tipid na ngumiti siya sa akin at pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa. "Huwag mo akong iwan, Dominic. Kapag ba sinabi ng mommy mo na hiwalayan mo ako ay susundin mo ba siya?" Nababasahan ko ang pangamba sa kaniyang mga mata. Pinugpog ko siya ng halik para mawala ang takot na nararamdaman niya. Kaya mahal na mahal ko siya dahil sobrang genuine ng ugali niya. "Handa akong suwayin ang mga magulang ko makasama ka lang, Serenity. Huwag kang mag-

