Kabanata 2

2254 Words
Pumasok na ako sa loob, may kakaibang ginawad na tingin naman sa'kin si kuya Jun. Pinipigilan niya ang ngumisi ngunit hindi niya nakayanan at tuluyan na nga s'yang ngumisi medyo humalakhak pa siya. Alam niya din kaya na malakas ang topak ng apo ng mga amo niya? O may topak din siya? Lahat ba ng mga tao katulad ng apo ng amo nila? Hindi ko siya pinansin at pumasok sa quarters, walang tao baka hinahanda na ang hapunan nina sir Lorenzo. Tumulong ako sa kusina at paghahanda sa lamesa, hindi ko pinagtuonan ng pansin ang desenyo ng bahay dahil gusto ko nang makauwi at iwasan ang baliw na 'yon! Inayos ko ang mga gamit ko at nagpalit na ng damit pagkatapos 'kong tumulong, nagpaalam na kay Lola Cilia at mukhang alam na ata niyang tinanggal ako sa trabaho ng magaling na Senyoritong Deo na 'yon! Pasado ala sais na nang makauwi ako sa bahay, hindi na ako kumain dahil nakatulog kaagad ako sa pagod. Nagising ako sa tumutunog na de pindot 'kong telepono. Isang tawag galing kay Bella. "Hoy, echoserang palaka! Nasan kana?!" Napamulat ako dahil sa lakas ng boses niya. Pinagsisihan ko tuloy na sinagot ko ang tawag dahil sumakit ang tenga ko sakanya. "Ang aga-aga ang ingay mo." Iritado 'kong sambit at hindi sinagot ang tanong niya. Tumayo ako, nilapag ang telepono sa kama at nag-unat bago kumuha ng susuotin ko at ang tuwalya. Nilagay ko ang tuwalya sa balikat ko at hawak naman ng kaliwang kamay ko ang susuotin ko. Gamit ang libreng kanang kamay ay kinuha ko ang telepono at sumagot na sa machine gun na bibig ng kaibigan. "Hoy, Leona Avis! Ang ganda mo naman para hindi ako sagutin! Nasan kana ba?! Kanina pa'ko dito sa Paradise, mag dadalawang oras na! Bruha ka! Andito na rin si papa Deo!" Nakabulong na siya ngayon ngunit parang masakit parin sa tenga dahil tila pinipigilan niya lang sigawan ako. "Is that her? Let me talk to her." A heard a low cold baritone asking my friend. Napalunok ako at napapikit. Lumabas ako sa kwarto ko at nakita si mama na may kung anong ginagawa sa cellphone niyang de pindot din. Inilayo ko ang telepono sa'kin bago nagtanong kay mama. "Ma, anong oras na?" Don' lang siya tumigil sa pagpipindot ng kung ano sa telepono niya at tumingin sa'kin. Ngumiti siya at tumingin sa cellphone niya. "Saktong alas diez, 'nak. Anong oras ba trabaho mo sa mga Dela Cuesta? May trabaho ka ngayon? sabado, ah? Akala ko ba pinapauwi ng mga Dela Cuesta tuwing sabado at linggo ang mga tagapagsilbi nila?" Tila hindi ko na naproseso ang iba pang tanong ni mama at gusto kong magwala. Pinatay ko ang tawag sa inis ko, may ilang sinabi pa ang baliw na Deo na 'yon pero hindi ako nagpatinag at pinatayan pa rin siya ng tawag. Pucha! Alas diez pa pero andon na sila?! What the hell? That means Bella went there at eight o' clock. How 'bout him? kakarating lang non panigurado. "Ang aga naman nila. Nakakahiya naman sa mga early birds, huwag nalang kaya ako pumunta?" May sarkasmo sa boses ko at pumunta na sa likod para maligo. Kaagad 'kong pinatuyo ang mahaba ko na buhok at sinuot ang isang denim na shorts at maluwag na white tshirt, I don't like wearing dresses. I prefer skirts, shorts or jeans. When my hair was already dry, I just let it hang and didn't apply any make up, hindi ko rin kasi alam kung paano 'yon gamitin. Lumabas ako sa cr habang dala ang suot ko kanina at pumasok sa bahay at nakita si mama na hindi man lang ako sinulyapan. Nilagay ko basket, na nasa tabi ng sofa ni mama, ang suot ko kanina. "May lakad ako, 'ma. Babalik rin ako kaagad." paalam ko habang dala lamang ang isang panyo at wala ng iba. She only glanced at me once and nodded. "Kahit mamayang gabi ka pa bumalik, ayos lang. Pagabi ka, 'nak. Ingat, bili ka na rin ng ulam at kanin pagkauwi mo. Tinatamad ako magluto." Lumapit ako kay mama at humalik sa pisngi niya. Nilahad ko ang kamay ko sakanya. "Pera?" Hindi niya na talaga ako tinignan at bumunot lang ng isang one hundred sa wallet niya at bumalik ulit sa telepono ang atensyon. Tinignan ko ginagawa niya at nakitang naglalaro siya noong ahas na kapag kumakain ng itim na tuldok na 'yon ay tumataas siya at bumibilis. Kapag naman tatamaan ang sarili at nabubunggo sa mga gilid ay game over na. Wala ba siyang duty ngayon sa planta? o 'di kayay may gagawin sa palayan nina Lando? "Alis na'ko, 'ma." Paalam ko kahit alam kong hindi niya naman ako papansinin. Trujillo Beach Resort is a famous hotel resort in Del Acosta, owned by the Trujillos. Sikat ang kanilang pamilya dito sa lugar namin, mayaman kasi tapos mababait pa. Hindi matapobre at tumutulong pa sila sa mga nangangailangan. Naging ex din ni kuya 'yong nag-iisang babae sa pamilya nila. The reason of their break up is that girl is bound to marry someone, hindi ko alam sino at iyon lamang ang sinabi ni kuya sa'kin. Pumara ako ng traysikel dahil malayo sa'min ang resort. Nakarating ako pasado alas onse, nasa labas si Bella at halatang naiinip na. Nagbayad na ako sa drayber at pagkababa ko palang ay binatukan niya kaagad ako. "Kanina pa kami rito! Good mood na sana si sir Deo kanina kaso nung pinatayan mo ng tawag... nagalit, dai." kwento niya habang papasok ako sa resort, nakahawak siya sa braso ko umaaktong takot sa baliw na 'yon. "Pake niya ba? pupunta naman talaga ako kahit hindi niya kausapin. At anong oras ka pumunta rito? Mas nauna ka ba dun? paano mo din nalaman na pinapapunta ka niya ngayon dito?" nakataas ang isang kilay ko habang tinatanong siya. "Tapang, hanep!" sinabayan niya pa ng tango at palakpak. sinamaan ko siya ng tingin kaya napabitaw siya sa'kin at sinagot na ang mga tanong ko. "Biro lang, e!" ngumuso pa siya "Mga eight. Hindi, dai. Noong dumating ako rito mukhang naka-check in sila dito tapos noong nakita si fafa Deo kanina ay mukhang bagong gising pero ang gwapo at ang yummy pa din—" I mentally facepalm. "Seryoso ka ba? parang hindi mo sinabihan na bastos siyang kausap ah?" Ang bilis naman magbago ng tingin niya, kasing bilis niya makahanap ng bagong fling. Bella is pretty and she's a famous playgirl in our school, habulin ng mga lalake. Maraming haters at bashers sa school namin na mga babae kaya ako lang ata ang nagiisa niyang babaeng kaibigan. She said she doesn't need many girl friends daw. But one thing that caught my attention is that when she said na mukhang naka-check in sila dito. Ano bang pinaggagawa ng tarantadong 'yon sa buhay niya? may bahay silang malaki tapos magche-check in siya rito? Aba! nawa'y lahat ay mayaman. Natigilan naman sa salitang tarantado. I remember someone named Tad, he's my classmate in grade 7 na parating nabubully. He was called names. Inalis ko siya sa'king isipan at binaling ang atensyon kay Bella. "Dagdag na siya sa listahan ng mga crush ko." she giggled while saying that. I smirk at her. "Pang-ilan?" Napaisip naman siya sa tanong ko. "siguro pang... wait, teka. Ah! pang-twenty!" I chuckled. "Ayaw mo kay Atlas?" Natigilan siya at namula. "Namumula ka, Bella. Kinikilig ka, 'no?" tudyo ko. Mas lalo siyang namula sa sinabi ko. Hinampas niya ang braso ko kaya napa-ngiwi ako sa sakit. Ang sakit talagang manghampas. "H-hindi ah! Tsaka hindi ako kinikilig, nagagalit ako! Ikaw? ayaw mo ba kay Deo? gusto mo atang solo lang kayo ngayon, e. Hindi mo nga ako sinabihan, tinawagan nalang ako ni Lola kaninang madaling araw." ngayon naman ay napa-ngisi siya. Nakabawi ang bruha. Inirapan ko siya. "Nawala sa isip ko, 'wag kang assuming. Wala rin akong load dahil hindi din naman ako nagpapaload." "Sus! ang lapit lang ng bahay niyo sa'min! Madadanan mo pag-uwi! Hindi mo ba naalala ang utos ni papa Deo nung nadaanan mo ang bahay namin? You didn't remember it?" pinahid niya ang pekeng luha sa gilid ng kanyang medyo singkit na mga mata. "Hindi ko alam na malapit lang pala ang bahay niyo sa'min. Hindi pa'ko nakakapunta ng bahay niyo, remember?" I said. Masyadong istrikto si kuya at mama. Pagkatapos ng klase ay dapat umuwi kaagad ako sa bahay. Papayagan man ako ni mama gumala, may curfew naman. Hindi pa nga umaabot sa napag-usapang oras ay sinusundo na kaagad ako ni kuya. Ngunit hindi naman ang naliligaw sa lugar dahil paminsan-minsan sinasama ako ni kuya at mama sa mga pupuntahan nila. "Excuses!" maarteng sambit ni Bella at inirapan niya ako. Hinila na niya ako papunta sa dalampasigan. May iilang mahahabang lamesa ang nandoon. Hindi masyadong mainit dahil natatabunan naman kami ng mga matatayog na puno. I immediately saw Deo and Atlas. Nakaupo sila sa harap ng mahabang lamesa, nasa pinakagitna, magkatabi ang magkapatid. Umupo si Bella sa harap ni Atlas na nasa laptop ang atensyon. Kaya umupo ako sa harapan ni Deo. Apat lamang ang mga upuang nasa aming lamesa. Inilibot ko ang tingin ko at nakitang may iilan nang naliligo, may ilang pamilya na rin na in-occupy ang ilan sa mahahabang lamesa. May nakita pa akong mag-asawang naka tingin sa nakasimangot na anak, I was amazed at their cute son. Magandang lahi. Napatingin ako sa table nila kung may gwapo ba silang kamag-anak na kasama at magpapalahi ako. Tumikhim si Deo kaya napunta sakanya ang atensyon ko. Deo's wearing a black and white striped shirt, half sleeve iyon. Nakabukas ang naunang tatlong butones nang suot niyang shirt. Ang suot niya naman sa ibaba ay isang white cotton shorts. Napapaypay ako sa'king sarili at iniwas ang tingin sa'kin. "Ang ganda ng view, 'no?" Bella playfully whispered. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil alam kong inaasar niya ako. "Naiinitan ka ba?" biglaang tanong ni Atlas at nakatingin sa'kin. Kaagad akong umiling at nagpatuloy sa pagpaypay sa sarili kahit ang totoo naiinitan talaga ako. Dammit! Iniwas ko ulit ang tingin sakanila. "Stand up." hindi ko napansing nakatayo na pala si Deo. He glared at me when I didn't stand up. Tumayo nalang ako at tumayo na rin si Bella. Deo looked at Bella and then his eyes went to his brother, he look at his brother meaningfully. "You're going to stay here, Arabella. Hindi ka sasama sakanila." Masungit na sambit ni Atlas. Napaawang ang labi ni Bella habang napakurap naman ako. What the f**k is happening? "Let's go." he coldly says and starts to walk away from here. Nang makitang hindi ako sumunod sakanya ay bumalik siya at marahang hinila ako paalis sa lugar na'yon. He's beside me and he's still holding my arm. Binawi ko iyon ngunit humigpit lamang ang pagkakahawak niya. Hinayaan ko nalang siya dahil gulong-gulo parin ako sa nangyayari. Namalayan ko nalang na nasa isang office kami dahil sa lamig. It's an empty office pero halata namang hindi napabayaan dahil malinis pa rin. Walang cobwebs at hindi ma-alikabok. Inalis niya ang kamay sa siko ko at umupo sa isang swivel chair na nakaharap sa'kin. May isang papel na nandu'n at isang ballpen. He leaned back on his chair as he lick his lips. Kinuha niya ang ballpen at kinagat-kagat ito while looking at me teasingly. Iniwas ko ang tingin ko sakanya nang maalala ang nangyari kahapon. f**k him! "Here's your contract. Magiging manager ka ng restaurant nila." Inilapag niya ang ballpen at pinikit ang mga mata. "Manager? Kahit waitress lang sa restaurant ay okay na! What you're doing is already too much!" I angrily shouted at him. Tumaas ang sulok ng labi niya at napamulat. "It's good that this room is soundproof. I should thank the owner of this hotel." "Deo! I said this is already too much! I want to work hard, hindi ako pinalaking nakukuha kaagad ang mga gusto ko! I am raised to work hard for the things I want to have! I can't sign that damn contract." mariin kong sambit. Lumapit ako sakanya at galit na tinapon sakanya ang papel. Umiinit ang ulo ko sakanya that even the cold temperature of the room can't make me cool down. I don't know why but this guy can make me easily angry without understanding and carefully thinking of the situation. "Okay, calm down, young lady. Come back to our house tomorrow for your new contract. I didn't expect you'll turn this opportunity down." I can see amusement in in his eyes while looking at me. Tumayo ito at lumapit sa'kin. He looks so serious, gone the teasing Deo. "Make sure to come back and if you'll not." nilapit nito ang mukha tenga ko. s**t! I can feel his breath in my neck. "You'll eventually regret it." He left me dumbfounded at the conference room. Napapikit ako sa inis at napunit ko ang papel na may mga terms sa trabaho ko. I bit my lips as I stared at the ripped paper. Naiinis ako dahil hindi ko na maintindihan ang sarili ko dahil lang sa Deo na 'yon! Lumabas ako sa office na'yon at nakita sa lobby ng hotel si Bella, nakasimangot at handa nang umalis. When she saw me, she immediately smirk. As usual. She'll tease me again. "Naks! Nainitan lang dinala na sa office para hindi na mainitan kuno si bruha. Ang lamig nga ng simoy ng hangin." She teased. Natigilan ako sa sinabi niya. Dinala ba ako ni Deo sa malamig na conference room na'yon dahil tingin niya naiinitan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD