Kabanata 4

2722 Words
"Conrad! Bilisan mong kumain d'yan! Nangangati na ang palad ko na sampalin ang ahas na 'yon!" Naiinip na ani mama habang hindi na pambahay ang suot. Seriously? kanina lang ay ayaw niyang umuwi sa Iladal tapos ngayon ay siya na ang nagmamadali at nag-aayang umalis? Bigla ko namang naalala si Bella. Siya siguro ang nawawalang anak ni Mama. I scoff in disbelief. Hindi ata ako nainform na may isang kapatid pa kami ni Kuya. Binigyan ako ni Kuya ng isang mamahaling bestida. Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba iyon dahil hindi naman ako mahilig magsuot ng mga ganoon. He said he wanted to give us gifts. Kung kelan naman tatanggapin ko na ang regalo ni Kuya ay doon naman hiningi ni Mama 'yon. Binigay ko nalang din, halos magkaparehas lang naman kami ng katawan ni Mama. Mas lamang nga lang ang kaseksihan ko. Sinuway tuloy siya ni Kuya kanina. Hindi naman niya pinansin ang sinabi ni Kuya at mas tinuon ang pansin sa mga bestidang hawak niya. Nagtataka tuloy ako kung paano nakayanan ni mama na mamuhay ng ganito. Iyong hindi kaagad nakukuha ang mga gusto niya. Masyadong malayo sa pamumuhay niya sa Iladal. Noong bata pa lamang ako ay nagkukwento si Mama sa buhay niya bago sila nanirahan dito sa Del Acosta. Malayo ang Del Acosta sa Iladal. Aabutin ng limang oras. I still remember when I was in grade one, pagkauwi ko ng bahay ay may bisita kaming estranghero. Si Kuya na hawak ang kamay ko ay nakasimangot. Inosenteng nakatingin ako doon sa lalakeng hindi ko kilala. He looks so shock as he stares at me pagkatapos ay binaling niya ang tingin kay Mama na kakatapos lang magluto ng lunch namin. "Ba't mukhang gulat ka d'yan? Magaling kang tumira diba? May dapat pa bang ipagtaka?" Iyon ang sabi ni Mama doon sa bisita namin. Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Mama. Hindi ko kasi naintindihan at napatingin ako kay Kuya na labag ang loob na lumapit doon sa matanda. Nagmano siya rito at kaagad na lumayo. Ginaya ko rin ang ginawa ni Kuya. Nagmano rin ako sa matanda at kaagad tumabi kay Kuya. I innocently looked at my brother when he quietly laughed. Yumugyog kasi ang mga balikat nito at diretsong nakatingin sa'kin. He has a grin on his face nawala nga lang ito nang tumingin kina Mama. "Leona..." binaling ko ang tingin ko kay mama nang lumapit ito sa'kin. Marahan niyang hinawakan ang likod ko at dinala ako sa harap ng bisita namin. "This is your papa." Titig na titig ako kay papa habang marami pang sinasabi si Mama ngunit wala akong maintindihan. I suddenly remembered what she told me last night. "Ayoko nang makita ang pagmumukha ng papa mo! Kapag pumunta ang papa mo rito ay talagang papalayasin ko 'yon!" Napatingin ako kay Mama. Nabigla siya nang hindi man lang ako yumakap sa pinakilala niya. I pursed my lips. I return my gaze at the man infront of me. Naluluha na ito. I wonder why? Do I look ugly? scary? Naluluhang hinaplos niya ang pisngi ko. Nakasimangot ako ng nasa hapag kami. Nagtataka tuloy si Mama at Kuya sa'kin. Nakaalis na rin si papa, hindi raw magtatagal. "I waited, Mama." Kumunot ang noo ni mama. Hindi naintindihan ang sinabi ko. "I was waiting for you po to cast him out." Napaawang ang bibig nila sa sinabi ko. Mama isn't the woman of her words. It's disappointing. I woke up from reverie. Nakarinig ako ng busina ng isang sasakyan. Kakatapos lang rin ni Kuya kumain at inaya na kami palabas. Hindi na ako nagulat nang makakita ng isang mamahaling sasakyan. It was a white Montero Sport. The car was heavily tinted. Lumabas mula sa driver seat ang isang may katandaang lalaki. Napangiwi ako nang makitang nakasuit ito at lumabas pa ng sasakyan. Hinubad ni Kuya ang coat at ang tie niya kanina nang mainitan na siya. Nakabukas na nga rin ang dalawang butones ng white shirt niya. Tiniklop niya din hanggang siko ang sleeve niya. Seryosong yumuko ang lalake. "I am Ramil. I was sent here by Sir Zedriko. Please, get in." Nakatulog ako sa byahe at nagising na lamang ako dahil sa marahas na yugyog ni Mama. f**k! Nahihilo ako sa ginagawa niya. Winaksi ko ang kamay niya sa braso ko. Ganoon ba talaga siya kasabik na sampalin ang babaeng 'yon? "Great! Now, please lumabas kana para makapag-ayos na tayo." Mama said sweetly before slightly pushing me. Damn it, she's so excited! I hope I am too. First time kong umattend ng isang pangmayamang party ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ako na-e-excite katulad ni Mama. Lumabas ako ng sasakyan gaya ng gusto ni Mama. We were in the underground parking lot of a... inilibot ko ang paningin ko sa paligid, maybe of a condominium? "I thought we'd go directly to the party?" Naguguluhan kong tanong. Nakapulmusang naglakad papalapit sa'kin si Kuya. "Not gonna let you wear that outfit at the party." As his eyes surveyed my body. Napatingin din ako sa suot ko. God! I forgot I'm still wearing the same clothes. Hindi ako nakapagbihis sa bahay. Napasimangot ako. As if one of my dresses back in Del Acosta can match their dresses in the party. Magmumukha lang akong pulubi doon panigurado. "Smile, little sis. I'll make sure you're gonna get the spotlight..." Kuya smirked. "Tonight." "I'm gonna make a scene later, ready some men." Rumampa papunta sa elevator si Mama suot ang bestida na kinuha niya sa'kin. I look at Kuya. Tumingin ito pabalik sa'kin habang may malaking ngisi sa labi. Heck, he likes what mama's gonna do! I gritted my teeth in annoyance. "Kunsintidor." Kuya just shrugged at me and followed Mama. Kaya sumunod nalang din ako sakanila. Pumasok kami sa loob kasabay noong Ramil. He was stiff. Diretso lang ang tingin nito. Pinindot ni kuya ang 7th floor. Maybe nandoon ang floor ng room niya. Tumunog ang elevator hudyat ay nasa ika-pitong palapag na kami. We went out and Kuya guided the way. Tumigil kami sa isang black na pinto. He inserted the keycard and we immediately went in. Late na kami panigurado. Alas dos kami umalis sa probinsya at palagay ko'y ala syete na. May isang lumapit kay Mama at ginaya ito sa isa sa mga pintuan. Pumasok sila doon hanggang sa nawala na sila sa paningin ko. "Are we already late, Kuya?" Tingin ko ay hindi pa, hindi naman siya nagmamadali eh. Nakaupo pa nga ito sa malambot na mahabang sofa niya at nagrerelax lang. "Yes, we are. Hindi naman sila kaagad na magsisimula, eh. Aabutin pa 'yan ng ilang oras and Mama wants a grand entrance, Leona. I'll be giving her that." Tila walang pake si Kuya at tinawag pa nito si Ramil at inutusan na kumuha ng dalawang beer. Now, he really changed. Noon ay takot itong ma-late, naiinis nga kahit on time kaming pumasok sa skwelahan. Ngayon? chill na chill lang siya, taking all his damn time! "Hey, relax." He chuckled. "Atleast we attended even if we're already late." "Fine! As if I'll even fit in there." Umirap ako. Napawi ang ngisi niya at tumayo. He hugged me. "You don't have to fit in. Sila ang mao-out of place! Look how pretty you are!" Binitawan niya ako at ngumiti. "Patris!"mmay lumabas naman mula sa isa pang kwarto na isang magandang babae. "You know what to do." She seductively smiled at my Kuya. She winked at him and even lick her lips. Napangiwi ako. Gusto ko tuloy ipamukha sakanya na hindi lang sila ang nasa lugar. What a flirt. Gross. Lumapit ako sa babae na mukhang nagulat sa presensya ko. I smiled at her, syempre using a fake one! I don't think papatol si Kuya sa mga ganito. I know some of his exes in Del Acosta. Hindi naman sila ganito. Even Larkyn isn't like that! "Miss?" Ngumiti siya na halatang peke. "Can you just do your job?" May bahid na inis sa tono ko. Hindi ko pinansin si Kuya na napabaling sa'min. Nawala ang pekeng ngiti niya. Tumaas rin ang kilay at sumingkit ang mga mata. Hi-nead to foot ako ng bruha na halos gusto ko ng sampalin. "Why are you still standing there, Pat? Ayusan mo na ang kapatid ko! No time to waste!" No time to waste? Wow! I'm killing my brother in my head right now. Halos malakas akong mapura habang nakatingin sa navy blue off shoulder evening gown na nasa harapan ko. He's very aware that I don't wear things like this. Napapikit ako ng mariin. Damn, I look like a coloring book right now. Uhm, I am wearing a light make up but still! I don't like makeups not because I don't know how to apply it in my freaking face but because hindi rin ako sanay! Do I look pretty? Decent? Elegant? "Dennis! nasaan ang heels na isusuot niya?!" Tanong noong Patris sa kasamahan niyang Dennis. "It's Diana! Gabi na, hindi na ako si Dennis. Nakakaloka! Andyan lang 'yan, hanapin mo nalang." Sagot nung Dennis. "Asan? Wala naman!" "Don't gamit your maingay na mouth, use your mga mata! Ano ka ba! May ginagawa ako rito, huwag kang distorbo. Kapag lumabas ako riyan at makita ang heels niya ay ipapakain ko talaga 'yon sayo." Sagot ni Dennis na nasa loob ng bathroom ng kwartong 'to. Hindi ko sila pinansin na nagbabangayan na. Kung nakakapunit lang ng damit ang masamang tingin ay baka punit na ang gown na nakahanda sa kama para sa'kin. I have no choice. Sinuot ko ito habang inaalalayan ako ni Patris. Nakikipagbangayan parin ito kay Dennis hanggang ngayon. Nang tignan ko ang sarili ko sa malaking salamin na andito ay halos mapamura ako. This black gown has a high slit, kitang-kita ang maputi at mahaba kong biyas! Nakalugay lang ang buhok ko at wala na silang ginawang kaek-ekan. Sinuot ko ang isang angle strap na three inch heels. Hindi ko rin gustong it is nov magsuot ng sobrang taas na heel dahil hindi ako sanay at baka matapilok lang ako. Nabawasan naman ng konti ang inis ko sa kapatid ko. It was a formal party. Obviously, gown din naman talaga ang susuotin sa party pupuntahan namin. Lumabas ako ng kwarto. I'm still feeling uncomfortable dahil hindi ko talaga gusto ang suot ko! Lumabas kami ng kwartong iyon. Maingay parin ang dalawa sa likod ko. Sinanay ko naman ang sarili kong maglakad suot ang heels. Napatingin ako kay Kuya na lumabas mula sa isang kwarto. He looks fresh halatang bagong paligo. Napansin kong hindi na iyon ang suit na suot niya kanina. He's wearing now a three piece black suit with a black tie. Napatigil siya sa pag-aayos sa buhok niya nang makita ako. Napaawang ang bibig niya at nabitiwan ang hawak na suklay. Nanigas ito sa kinatatayuan niya at napabaling ang tingin kay Patris. "What did you do to her?" Frustrated nitong tanong. "May problema ba sa ayos niya?" Nag-aalalang tanong ni Patris. "No..." malakas itong napabugtong hininga. "She's very gorgeous." Mayabang akong ngumisi kay Kuya. "I'm always gorgeous." Sarkastikong ngumiti si Kuya. "You think? ngayong araw ka lang naman maganda." Inirapan ko siya at binaling ang tingin kay tingin sa bumukas na pinto. Lumabas si mama suot ang isang black and white na short cocktail dress with lace bodice. High collar ito at mas lumitaw ang pagiging maputi ni Mama. She looks very young while wearing that. She looks sophisticated with an aura around that says you can't mess with her. Her hair is tied into a high bun, may ilang tikas ng buhok pa. I'm amazed na mabilis natapos si mama. Light lang din naman ang make up niya. She doesn't like "Ramil!" Tawag ni Kuya. Lumabas naman mula sa kusina si Ramil na medyo pula ang mga mukha. "Are you drunk?" I asked him. Mabilis na umiling ito. "Hindi pa 'yan lasing, Leona. Huwag kang mag-alala." Sagot ni kuya at inutusan na si Ramil na ihanda ang sasakyan. Tumango ito at malalaki ang hakbang na lumabas ng unit. "Kuya! Pinainom mo ng beer?!" Inosenteng tumango si kuya. "Tig-iisa kami ng beer kanina. Light lang naman iyong pinabili ko." That's why he asked Ramil to get two beers kanina! I rolled my eyes on him. Inakay na niya kami ni Mama palabas. Mabilis kaming nakarating sa venue ng party. It's a big mansion. Naririnig mula rito sa labas ang ingay. "Let's go." Aya ni kuya at sinundan namin siya papunta sa likod ng mansion? Nang makarating sa likod ay umakyat kami sa isang puting staircase paakyat sa second floor ng mansyon. Nang maka-akyat kami ay naglakad kami papalapit sa isang malaking pintuan. Mula dito sa pwesto ko ay makikita ang isang malaking pool, pwedeng pang pool party dito sa likod ng mansyon. May dalawang nakasuit na lalake ang nandoon at pinagbuksan kami ng pintuan. Bumungad sa'kin ang isang mahabang pasilyo. It doesn't look creepy, though. In the end of the side ay may naka black suit din na nakatanaw sa baba. Kung saan nagaganap ang party. Humarap ito sa'min at ngumiti. He walked towards us and met us half way. Nakahawak parin si Kuya sa siko namin. I can hear already the clear noises from the first floor. Tumigil kami sa paglalakad nang nasa harap na namin si papa. He offered his hand to mama na kaagad naman nitong tinanggap. Napailing ako. Binitiwan ni kuya ang pagkakahawak sa siko ko kaya kumapit ako sa braso niya. Magkahawak kamay na naglakad si mama at papa papalapit sa staircase kaya ay sumunod kami ni Kuya. Nang papalapit na kami sa grand staircase ay biglang may nagsalita. "Please help me welcome..." Biglang tumahimik ang paligid. "The Palacio Family!" At nakaabot na nga kami sa pinakadulo. From here I can see their shock expression while looking at Mom and Kuya. Papa has a huge grin on his face, he looks so proud while staring at mama. "Pa," Tawag ni kuya sa atensyon ni papa. Tumingin naman kaagad kay kuya. "Your wife's gonna need some men." Mukhang nakuha iyon ni papa at inilabas ang cellphone niya. He dialed someone. "Please maintain the silence as Mrs. Palacio will have her short speech." "Let's go?" Tumango ako kay kuya at bumaba kami. I can feel many eyes looking at us. Napahigpit tuloy ang kapit ko kay Kuya, sobrang tahimik din kasi. I feel awkward. Para kasi silang nakakita ng multo sa mga expression nila. There are many high tables around the place. Naglakad kami sa isang bakanteng table. Malapit ito sa malaking pintuan. Sa tabing table namin ay may isang babaeng halos mamutla na. "Don't look at her." Bulong ni Kuya habang ang tingin ay naka'y mama kay napatingin na rin ako kay Mama. She doesn't need a mic to make everyone hear what she'll say. She cleared her throat and menacingly smiled directly at the girl beside our table. Oh, I advised she should leave the place immediately. "Good evening, Everyone. I am Lucian Luzviminda-Palacio, the one and only. Still very gorgeous and alive." She playfully smiled and whispered something to papa at sabay silang bumaba sa staircase. Tahimik ang lahat at nag-aabang sa susunod niyang sasabihin. Ang tingin ng iba ay nasa katabi naming table. Naglakad papalapit sa direksyon namin si Mama. Tumigil sila sa gilid ng table ng babaeng 'yon. Papa's hand is on mama's waist. "Hey there, Angel! miss me?" Bati ni mama kay Angeli Gustavo. "Your name doesn't really suit you. What a two-faced b***h. You. Are. A. Disgusting. Shit." Napatayo naman ang babae. Oh no, wrong move. I wish she didn't stand. Nanliliksik na ang mga mata nito kay Mama. Ngumisi ng nakakaloko si mama. "I've spent my very, veryyyy long vacation underground. It was nice there! Thank you for recommending it to me. As a sign of gratitude, please accept my gift." Bumukas ang pintuan at pumasok mula roon ang mga guards, Ramil is also with them. Lumapit ang mga ito kay Mama. "You can't do this to me!" Si Angeli habang hawak ng mga guards. "Believe me, dear..." Sumeryoso ang mukha ni Mama. "I can." Napa 'o' ang labi namin ni kuya. Mama slaps Angeli really really hard. So hard that everyone heard the sound of the slap. Napasinghap ang lahat sa ginawa ni mama. "Get her out of here." Utos ni papa sa mga guards.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD