Angelie's POV From: Director 'Love, please naman. Kausapin mo na ako. Sorry talaga. Hindi ko sinasadyang malumpo ang lalaking 'yon.' Pang labing limang message na yata ni Ayen ito ngayong araw. Hindi ko lang kasi sinasagot ang mga tawag niya sa akin simula kahapon. Naiinis ako sa ginawa niyang pananakit kay Zyone. Hindi ako naiinis dahil nasaktan si Zyone. Ang kinakainis ko lang ay inilalagay niya ang sarili niya sa alanganin. Paano na lang kung sampahan siya ng kaso ng manager ni Zyone? Sa ginawa niyang pangbubugbog na halos nabalian na ng buto sa lahat ng parte ng katawan, pwedeng pwede siyang kasuhan. Pwede naman siyang magselos pero wag naman sana siyang manakit ng pisikal. At isa pa alam na rin ng mga katrabaho ko sa photoshoot na may relasyon kami ng director ko. Mabuti na lang

