Angelie's POV "Anak..." Naramdaman ko ang pag hawak sa balikat ko ng aking ama. Nilingon ko siya at may dala siyang mug ng kape. "Tapos na po kayo mag usap ng pamilya ni Ayen?" tanong ko sa ama ko. Itinigil ko ang ginagawa ko ng pagdidilig sa mga halaman sa likod ng bahay nila Ayen. Naglakad kami pupunta ni daddy sa isang siso at na upo kami parehas. Malaki at malapad ang siso kaya kasya kaming dalawa ang daddy ko. Namiss ko tuloy ang mga araw noong bata palang ako. Linggo-linggo kami noon nag pupunta ni daddy sa park paralang ipasyal niya ako ano po kami sa duyan habang may hawak na ice cream sa kamay namin. "Katatapos lang," sagot niya. Nagpunta kasi sila dito ni mommy para na rin dalawin ako at kamustahin ang pamilya ni Ayen. "Masaya ako na maayos ang trato nila sa'yo kahit na

