Angelie's POV "The hell, Denmark! Saan ka ba kasi nagpunta kagabi at hindi ka na bumalik?!" galit na galit na sigaw ko kay Denmark habang umuusad ang van na sinasakyan namin. Kanina ko pa siya binubulyawan sa gigil ko. Kapag na aalala ko ang mga salitang binitawan sa akin ni Ayen kagabi kinakabahan ako. Kinakabahan ako para sa sarili ko dahil baka mahulog ako sa patibong niya at ako lang ay magdusa sa huli. Nakakainis! Kung sana lang talaga ay bumalik siya agad aba e 'di hindi na sana ako nagtagal sa gitna ng hall kakangiti kay Ayen kahit na kulong-kulo na ang dugo ko sa kanya sa galit! "I'm sorry, Angelie," mahinahon na sambit nito habang nakasandal sa kotse at hinihilot ang ulo niya. "Nilasing ako ni CEO Martin at hindi ko naman matanggihan ang alok niya." Shit! Pakiramdam ko may a

