Angelie's POV Napatayo agad ako sa kama ng makita ko si Ayen na lumabas ng banyo na nakatapis ang tuwalya sa bewang habang nasa kanang kamay naman niya ang towel para sa buhok. "Bangon nga." Inilapit ko pa ang ilong ko sa dibdib niya na basa pa. Ang bango nya at parang hinahatak ako palapit sa kanya. Araw-araw ko naman siyang kasama pero parang iba ang amoy niya ngayon. "Uh huh." Hinila ko agad siya pa ipo sa sofa na nasa loob ng kwarto niya at ipinaupo siya doon. Kinuha ko ang tuwalya sa kamay niya at naupo sa kandungan niya pangarap. "Ako na ang mag tutuyo ng buhok mo," sambit ko. Napatango naman siya at parang gulat na gulat sa inaakto ko. Hinawakan niya ang bewang ko at sinimulan ko naman punasan ang buhok niya. "Bakit ang gwapo mo?" Na pahawak ako sa ilong niyang napaka tangos

