Angelie's POV "Oh, labas muna kami. Iwanan na muna namin kayong dalawang lovey dovey dito sa dressing room," pang-aasar ni Lester. "Sira!" singhal ko sa kanya at sabay-sabay naman silang nagtawanan palabas ng dressing room. Kalahating oras pa bago magsimula ang show pero tapos na kaming mag-ayos ngayon. Lipstick lang din ang kolorete sa mukha ko dahil ayaw ni Ayen ng maraming nakalagay sa mukha ko at baka masira lang daw. "Love, itaas mo 'yong damit mo," utos sa akin ni Ayen na nakaupo sa isang swivel chair sa tapat ko. Parehas kaming nakaupo sa swivel chair ni Ayen na magkatapat at nakataas pa ang mga paa ko at nakapatong sa hita niya. Suot ko ang yellow dress na spagetti strap handkercheif dress na saktong-sakto sa katawan ko na galing daw sa kaibigan niyang pinaghiraman dahil sarad

