Angelie's POV Tahimik ang buong condo unit ko dahil wala na si Beks at mag-isa na lang ako dito ngayon. Nakahiga ulit ako sa kama ko at na nonood na lang ako ng Netflix. Na umay ako sa party dahil sa asong na uulol kaya umuwi na lang ako kahit wala pang alas dose. Idinahilan ko na lang na may emergency para lang makaiwas. Napabangon ako agad ng sunod-sunod na tumunog ang doorbell ng condo ko at parang ginawang piano tiles and doorbell ko. "The hell! Sino ba 'yon?!" Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto ko kahit na isang lace insert split side floral satin cami lang ang suot ko. Binuksan ko ang pinto at handa ng bulyawan ang kung sino man ang makulit na ginawang piano tiles ang doorbell ko pero bigla na lang itong bukagsak sa balikat ko at agad akong niyakap. Amoy na amoy ko ang

