Angelie's POV Sobrang taas ng tingin ko sa kanya bilang isang lalaki pero mali pala na tinignan ko siya na parang isang Diyos na sobrang taas. Nagsisi ako na tinignan ko siya bilang isang mataas na lalaki. Basura rin pala ang ugali niya at hindi pa pala sapat ang labi ko sa kanya. Gusto pa niya ng labi sa mga babae na nasa bar. Nakakaputang ina kasi ginawa ko naman ang best ko para patunayan sa kanya na iba akong klaseng babae. Pinatunayan ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Iniintindi ko naman siya kahit minsan gusto ko ng sukuan ang ugali niya at ang pagiging seloso niya. Napalingon ako sa kanya at itinigil naman niya sa gilid ang kotse niya. Nasa harapan na kami ng condo building namin. "Huwag na huwag mong sasabihin ang bagay na 'yan!" sigaw niya sa akin. "Wala ka ng karapatan

