KASALUKUYANG nasa kanyang studio si Luka. Tanging ang scented candle lang sa ibabaw ng worktable niya ang nagbibigay-liwanag sa silid. Napundi kasi ang ilaw roon. Nakahalukipkip siya habang nakatitig sa canvas na may mukha ni Daniel. Pero wala rito ang kanyang isip. Her mind was occupied by Khaki.
Aaminin niyang dala ng kalasingan kaya naikuwento niya kay Khaki ang tungkol sa kanyang nakaraan na may kinalaman kay Daniel. O marahil masyado siyang komportable sa presensiya nito kaya hindi niya napigilang magkuwento rito. She seemed to let her guard down whenever she was around him.
Hindi niya inaasahan ang outburst nito. Kahit lasing siya nang nagdaang gabi, tandang-tanda pa rin niya ang bawat salitang sinabi nito. Masakit mang aminin, tinamaan siya sa mga sinabi nito. Bawat salita nito ay bumaon sa kanyang puso.
Am I being selfish?
Yes you are, sagot ng isang bahagi ng isip niya.
“Oo, nasaktan ka sa pagkawala ng lalaking mahal mo, pero huwag mong lunurin ang sarili mo sa kalungkutan. Nasasaktan mo na ang mga taong nagmamahal sa 'yo. You’re still alive, pero parang unti-unti ka na ring nawawala sa kanila.”
She sighed. Yes. I’m being selfish.
Tumingin siya sa isa sa mga portrait ni Daniel. “Daniel, ano’ng gagawin ko?”
Hindi niya alam kung bakit ngayon lang niya na-realize ang mga bagay na iyon gayong hindi naman si Khaki ang unang taong kumumbinsi sa kanya na ipagpatuloy niya ang buhay niya kahit wala na si Daniel. But somehow, he managed to knock some sense into her head.
When he held her in his arms, biglang kumalma ang buong sistema niya. Sa lahat ng mga taong sumubok na iumpog siya sa pader para magising siya, ito lang ang nagtagumpay. Ah, she remembered. It was his tears that cleared her head. Nang makita niya ang pagpatak ng mga luha nito, nawalan siya ng lakas para lumaban.
Nakita niya bigla ang sarili niya rito—miserable at punong-puno ng kalungkutan ang mga mata. At dahil din sa mga luhang iyon kung bakit naramdaman niya ang bawat salitang sinabi nito.
“Daniel, am I supposed to let go of you and our memories now?” She fought back her tears. Huminga siya nang malalim at saka nag-dial ng numero sa kanyang cell phone. “Mommy? Nasa bahay ba kayo ngayon? Ahm, I’ll be coming over.”
She gave Daniel’s portrait one last longing look before she left the room.
Paglabas niya ng studio ay nagulat pa siya nang makita si Khaki na akmang kakatok sa pinto. Napaatras ito nang makita siyang lumabas. Siya naman ay naramdaman ang paglukso ng kanyang puso nang makita ito. Akmang bubuka pa lang ang bibig nang lagpasan na niya ito.
“Luka.”
Nagpatuloy lang siya sa mabilis na paglalakad.
“Luka phone home! Luka phone home! 'Uy, galit ka pa ba?”
Hindi ako galit sa 'yo. Sa totoo lang, malaki nga ang naitulong sa 'kin ng mga sinabi mo. Hindi ko alam kung ano’ng meron sa 'yo, pero mukhang ikaw lang ang nagtagumpay na tibagin ang pader na iniharang ko sa pagitan ko at ng mga tao sa paligid ko.
“I know I was wrong, okay? Naging pakialamero ako. Pero lahat ng sinabi ko sa 'yo kagabi ay totoo. Gusto talaga kitang tulungan. Kaya sana pag-isipan mo ang mga iyon.” Huminto ito saglit sa pagsasalita. “Luka, will you look at me kahit sandali lang?” pakiusap nito nang hindi siya kumibo.
Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya para huminto siya sa paglalakad at harapin ito sa kabila ng determinasyon niya na huwag pansinin ito.
Nakapamaywang ito habang nakatingin sa kanya. Lumapad ang ngiti nito nang magtagpo ang mga mata nila. She didn’t know why but she felt suddenly at ease when she saw his handsome face and bright smile.
Mayamaya ay sumeryoso ito. “I’m sorry, Luka. Sana ay patawarin mo na 'ko.”
Nang hindi pa rin siya kumibo ay tumalikod ito habang nakapamaywang. Umikot-ikot ang balakang nito. It took a moment before she realized what he was doing—he was telling something using his butt! Kahit nakakatawa ang paggalaw ng puwit nito habang tila may binubuong mga letra, nabasa pa rin niya ang nais nitong sabihin.
Sorry.
Hindi na niya napigilan ang pagtawa. Nasapo pa niya ang tiyan niya sa sobrang pagtawa. That was the most hilarious way of offering an apology! Hindi niya akalain na pagkatapos mamatay ni Daniel ay magagawa pa niyang tumawa uli nang ganoon.
Nang mahimasmasan ay saka lang niya napansing nakaharap at nakatitig na pala si Khaki sa kanya. Kakaiba rin ang kislap sa mga mata nito. Ngiting-ngiti rin ito habang pinagmamasdan siya. It was as if he was really happy and pleased to hear her laugh. And as she stared back into his light-brown eyes, suddenly, her heart began thumping hard against her chest.
She froze. What did the fast beating of her heart mean?
Nawala lang 'yon sa isip niya nang may kung ano na namang hulihin si Khaki sa tapat ng mukha niya, pagkatapos ay ipinatong nito ang nakakuyom na kamay nito sa dibdib nito, sa bandang puso.
Kumunot ang noo niya. “Ano ba 'yang hinuhuli mo?”
Nakangiting umiling ito. “Secret ko na 'yon. Bakit? Interesado ka na ba sa’kin?”
Tinalikuran niya ito. Pero hindi gaya kanina, binagalan niya ang lakad niya ngayon para masundan siya nito.
“Pinapatawad mo na ba ko, Luka?” malambing na tanong ni Khaki nang umagapay ito ng lakad sa kanya.
She felt at ease when he was finally walking next to her. “Pag-iisipan ko pa.”
Pabirong binunggo siya nito. “Patawarin mo na ko. Hindi ka pa ba naantig sa ginawa ko kanina? Mas preferred mo ba kung naka-boxers lang ako no’ng ginawa ko 'yon?”
Hinampas niya ito sa braso na ikinasinghap nito. “Ang kapal talaga ng mukha mo…” Kinagat niya ang ibabang labi niya upang mapigilan ang muli niyang pagtawa. Nakakatawa naman kasi talaga ang ideyang 'yon.
“Ayiieee. Gusto naman niya,” tukso nito sa kanya.
“Ewan ko sa’yo.” Nagpatiuna na siya sa paglalakad. Nang maramdaman niyang hindi nakasunod sa kanya si Khaki ay nilingon niya ito.
Nakita niyang nakangiti si Khaki habang nakatingala sa kalangitan. He was squinting, probably to protect his eyes from the direct sunlight. Mag-a-alas otso na ng umaga no’n. Habang pinagmamasdan niya 'to ay tila nagliwanag ito. He was very handsome. Kaya kahit magyabang ito ay bagay naman dahil may ipagyayabang talaga ito. Pero ni minsan ay hindi pa siya totoong nainis sa pagiging arogante nito. Malambing at masigla kasi ang boses nito kaya ang pagyayabang nito ay halata namang biro lang. His heart was probably as kind as his smile.
Unti-unting lumingon sa kanya si Khaki. Nginitian siya nito. “Yes, Luka?”
Something hit her chest hard again because of his bright smile. Hindi na niya napigilan ang paglabas ng mga sumunsunod na salita mula sa bibig niya. “Gusto mong sumama sa bahay ng mga magulang ko, Khaki?”