NAKATAYO si Luka malapit sa restaurant habang naghihintay ng taxi. Napilitan lang siyang makipag-“date” kay Mr. Villazar dahil nagbanta ang mama niya na kapag hindi niya ito pinagbigyan sa gusto nito, magbabakasyon ito sa bahay niya habang nagha-hunger strike ito.
Hindi niya gustong tumira ito sa bahay niya. Not that she didn’t want to be with her mother. Nagfi-freak out kasi siya kapag naroon ito. Para kasing machine gun ang bibig nito. Kaunting kibot ay may napapansin ito sa kanya. Natahimik lang ito nang sabihin niya na payag na siyang makipag-date kay Khaki Villazar.
Khaki Villazar.Hmm. He wasn’t like any of those pitiful men her mother had set her up with on a date before. In all fairness to him, he was much, much better than them. His good looks and cheerful aura stood out among the rest.
Pagpasok pa lang niya sa restaurant kanina, alam na niyang ito ang hinahanap niya kahit minsan lang niyang nakita ang picture nito na ipinakita sa kanya ng kanyang ina. She couldn’t believe he was more gorgeous in person—he had an angelic face, an aristocratic looking nose, perfect lips, and light brown eyes. Pero bukod sa kaguwapuhan nito, iba rin ang ugali nito kompara sa mga naka-date na niya.
Ang ibang lalaking naka-date niya noon, makita pa lang ang Lolita dress at wig niya ay ngumingiwi na agad. Ang iba ay gumagawa ng excuse para makaalis agad, obviously, nahihiya ang mga ito na makitang kasama siya. Pero hindi si Khaki. Oo nga at halatang nagulat ito nang makita siya, pero wala siyang nakitang disgusto sa mga mata nito.
And his patience, it was ridiculously long! Kahit naging bastos siya sa harap nito, hindi siya nilayasan nito. May mga pagkakataong inaasahan niyang sasabog na ito dahil sa sobrang pagkakakunot ng noo, pero hihinga lang ito nang malalim at magliliwanag na uli ang mukha. He even kept on smiling at her. Too bad she couldn’t remember their childhood memories kahit anong pilit ang gawin niya. But in all honesty, she liked hearing his voice. It made her calm. That was the reason why she didn’t respond to him. She wanted to hear him talk nonstop.
Stop right there, Luka.
Bumuntong-hininga siya. Bakit ba niya iniisip ang lalaking iyon? He was good-looking and nice, all right. But so what?
Mayamaya ay may humimpil sa harap niya na isang itim at magarang kotse. Umibis mula roon ang lalaking kanina lang ay iniisip niya.
“Luka.”
Her nostrils caught the familiar masculine scent she was secretly sniffing in the restaurant while they were eating. “Mr. Villazar.”
Namaywang ito. Kung suyurin siya nito ng tingin, para siyang bata. Though she really felt like a child as she looked up at him—she was five feet-two inches tall and he was probably six feet tall. Kunot na kunot din ang noo nito habang nakatitig sa kanya na parang gusto siyang tirisin.
“Bakit bigla mo na lang akong iniwan sa loob ng restaurant?” iritadong tanong nito.
Hindi niya ipinahalata na nagulat siya sa sinabi nito. Mas gusto pa ba nitong magtagal sila roon kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil sa hitsura niya?
“Ah, hindi na bale. Let’s go,” anito.
Tumaas ang isang kilay niya. “Excuse me?”
“Ihahatid kita sa bahay n’yo,” anito.
“Bakit?”
Lalong kumunot ang noo nito. “Anong bakit? Do you expect me to leave you here and let you go home by yourself?”
“I know my way home.”
“I can’t let a woman, much more my date, to go home alone when I have a car to drive her home.”
“No, thanks.”
“Ang kulit mo. Halika na sabi, eh.” Hinawakan siya nito sa braso.
She froze as soon as she felt his warm hand on her arm. A jolt of electricity flowed throughout her body. Kasunod niyon ay nakaramdam siya ng takot.
“Don’t touch me! Men from this world are really gross.”
Agad naman siyang binitawan nito. Itinaas nito ang mga kamay bilang pagsuko. “I’m sorry. Pero honestly, ano ba’ng problema mo sa mga totoong tao para maging ganyan ka?”
“Nothing. I just realized that people from the 2D world are way better kaysa sa mga totoong tao.”
“No. You’re just escaping from reality.”
Natigilan siya. His words struck her.
Bumuntong-hininga ito. “Just a piece of advice. Woman, don’t lock yourself up in your two-D world. Makulay ang buhay sa totoong mundo, singkulay ng wig mo. You’re missing out on a lot in your life—aray!”
Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang humalik ang kamao niya sa mukha nito. “Stop talking as if you know everything.” Then, she walked out on him.