Chapter Seven

1420 Words
PAGLABAS ni Luka ng banyo ay mupo siya sa harap ng salamin habang tinutuyo ng blower ang kanyang buhok. Dumako ang tingin niya sa singsing sa ibabaw ng mesa na kinapapatungan ng salamin. Simple lang ang singsing na 'yon na may maliit na diyamante. Nahanap iyon ni Khaki. Alam niyang napipilitan lang itong pakisamahan siya. Pero kanina, nang hawakan nito ang pisngi niya, kakaibang init ang dumaloy sa kanyang buong katawan. That warmth seemed to penetrate her heart. Gusto sana niyang magalit sa binata pero hindi niya magawa dahil masakit mang aminin, nagustuhan niya ang ginawa nito. Wala sa sariling napahawak siya sa pisnging hinawakan ni Khaki. Pakiramdam niya, naroon pa rin ang init ng kamay nito. Bigla namang rumehistro ang nakangiting mukha nito sa kanyang isipan. Her heart swelled. Ito na yata ang taong may pinakamagadang ngiti na nakilala niya. Kahit lagi niya itong sinusungitan, nginingitian pa rin siya nito. Dinadaya ba siya ng paningin niya o talagang hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi? Napasinghap siya. Marahang tinampal-tampal niya ang magkabila niyang pisngi. “Luka, si Khaki ang baliw sa inyo at hindi ikaw.” Nang makuntento na siya sa bumalik na malamig na ekspresyon sa kanyang mukha ay tumayo na siya kipkip ang singsing sa bulsa ng shorts niya at dumiretso sa kanyang kama. Pahiga na sana siya ro’n nang may kung anong gumalaw sa ilalim ng comforter. Dali-dali niyang inalis ang comforter at nagulat pa siya nang makita kung sino ang walanghiyang natutulog sa kama niya – si Khaki! “Hoy, lalaki! Anong ginagawa mo sa kuwarto ko? Much more in my bed?!” Umungol lang si Khaki at niyakap ang sarili nito. “Cold…” Nakapagpalit naman na ito ng damit. Mabuti na lang at may naitago pa siya ro’n na mga damit ng ama niya na ginagamit nito kapag nagbabakasyon ang mga magulang niya sa bahay niya. Kumunot ang noo niya. Napansin kasi niyang tila nanginginig ang buo nitong katawan at maputla pa ang mukha. Sumampa siya sa kama at sinalat ang noo nito. Napsinghap siya nang madamang napakainit nito. “Khaki, you’re hot!” Khaki opened one eye and smirked. “I know, right?” Tinampal niya ito sa noo na ikinasinghap nito. “Ang kapal talaga ng mukha mong kiti-kiti ka. Kung nilalagnat ka, bakit hindi ka pa umuwi? O kaya pumunta kang ospital.” Sinimangutan siya nito saka humiga patagilid, patalikod sa kanya. “Ang sama mo. Nakikita mo na ngang may sakit 'yong tao, pinapalayas mo pa. Saka alam mo namang malakas ang ulan. Wala bang puso ang mga elyen?” Paano siya nito naipapahiya sa sarili niya nang hindi siya nagagalit dito? “Sige, dito ka na magpalipas ng gabi sa bahay ko. Pero do’n ka sa guest room matulog, huwag dito sa kuwarto ko.” Umungol ito. “Galing na ko do’n. But the pillows and the bed sheets there don’t smell like you.” Napasinghap siya. “Basto –” “I like your scent. It makes me calm and it makes my headache go away,” masuyong wika nito na tila ba nagpakalma sa buo niyang sistema. Natahimik siya. Walang bahid ng kabastusan ang boses nito, gano’n din naman ang mga salita nito. Pareho lang sila. His scent and his touch could make her calm, kaya wala siyang karapatang magalit dito dahil sa mga bagay na 'yon. Nawala na ang lakas at kagustuhan niyang makipagtalo pa kay Khaki. Mukhang wala talagang laban ang pagmamatigas niya sa kakulitan nito. “Uminom ka na ba ng gamot?” Nagulat siya sa kahinahunan ng boses niya. Was she worried about this… pest? “Oo. Binigyan na ko ni Mayang ng gamot kanina.” Gusto sana niyang magkomento na ang bilis naman nitong nagkasakit. Pero naalala niyang halos tatlong oras nga pala itong nakababad sa ilalim ng malakas na ulan habang hinahanap ang kanyang singsing. “Khaki, salamat sa paghahanap ng singsing ko.” Gumulong ito at ngayon ay sa kanya na ito nakaharap. Ang ganda na naman ng ngiti nito. “Walang anuman. Nahuli ko na ba ang puso mo?” halatang nagbibirong tanong nito, saka siya kinindatan. Aaminin niyang na-cute-an siya sa ginawa nito pero hindi niya 'yon ipinahalata. “Matulog ka na nga. Do’n na lang ako sa guest room.” Akmang tatayo na siya mula sa pagkakaupo sa kama niya nang bigla siyang hilahin ni Khaki, dahilan para mapahiga siya. Tinapunan niya ng masamang tingin ang binata. “Khaki!” Hindi siya nito niyakap na tulad ng kinatatakutan niyang gawin nito, pero binalot sila nito ng comforter at sumiksik ito sa tabi niya. Naramdaman niya ang mainit nitong noo sa kanyang braso. Naka-sando kasi siya no’n kaya magkadikit ng diretsa ang mga balat nila. Again, the tingling sensation shook her heart. “Khaki,” banta niya. “Dito ka na lang, Luka. Promise, wala akong gagawing masama sa’yo. Nawawala ang sakit ng ulo ko kapag malapit ka, eh. Siguro, special ability 'yon ng mga elyen, 'no?” Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Oo. At kaya rin kitang sipain palabas ng bahay ko kapag inasar mo pa ko.” Nagpaawa ito ng mukha. “Is that how you treat sick people?” Inirapan niya lang ito. kinuha niya ang unan sa ilalim ng ulo nito at ipinagitna iyon sa kanila. Pakiramdam niya, nakahinga lang siya nang hindi na magkadikit ang mga balat nila. Khaki’s touch always seemed to burn her body. “'Wag kang lalagpas sa hati na 'yan,” banta niya. She laid on her side with her back turned on him. Pumikit na siya subalit hindi niya magawang makatulog. She was too aware of Khaki’s presence and even with a pillow between them, it was as if she could the heat of his body on her back! “Good night, elyen,” masuyong wika ni Khaki. “Whatever.” Nakakatulog na sana siya dahil natahimik na si Khaki. Pero ilang sandali lang ay naramdaman niya ang pagdantay ng braso nito sa kanyang baywang. Marahs na nilingon niya ito at sisigawan sana nang matahimik siya. Mukhang mahimbing na ang pagkakatulog nito. Nakayakap ito sa unan pero dahil mahaba ang braso nito, naabot niyon ang kanyang baywang. Hinayaan na lang niya bilang pasasalamat na rin sa paghahanap nito ng singsing niya. And she already lost the will to get mad at him now that she was looking at his peaceful sleeping face. He seemed to be her guardian angel at that moment. Her heart melted again. Luka, you shouldn’t be feeling that way towards a… stranger. At dapat mo na ring kalimutan ang mga damdaming 'yan. Bumuntong-hininga siya at dinukot ang singsing sa bulsa niya. That was her engagement ring. Napangiti siya ng malungkot nang maisip niya ang nag-iisang lalaki sa puso niya – si Daniel. He was her first love, first boyfriend, and first kiss. He loved her so much and she loved him back just as much. Their love story was supposed to be like a fairy tale come true. But then, Daniel died. Namatay ito sa isang car accident sa mismong araw ng kasal nila tatlong taon na ang nakalilipas. Mapait na ngumiti siya. “What a cliché. Hindi ba gano’n ang madalas na nangyayari sa mga telenobela at pelikulang pinapanood natin noon, Daniel? Sa pelikula o sa TV lang dapat nangyayari iyon kaya hindi dapat nangyari sa 'tin 'yon, 'di ba?” Nanakit ang lalamunan niya dahil sa pagpipigil umiyak. “Bakit mo ako iniwan, Daniel? Hayan tuloy. Wala na 'kong makitang lalaking puwedeng humigit sa 'yo.” Hindi totoo ang iniisip ng mommy niya na obsessed siya sa 2D men kaya hindi na siya interesado sa totoong mga lalaki. Ang totoo, nang mawala si Daniel, wala na siyang makitang dahilan para umibig uli dahil sa tingin niya ay wala nang hihigit pa rito. Ang katotohanan na hindi alam ng mga magulang niya, nakakulong pa rin siya hanggang ngayon sa mga alaala ni Daniel. Hinalikan niya ang singsing, kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. At gaya nang mga nagdaang taon kapag naaalala niya ito, hindi na naman niya napigilang umiyak hanggang sa makatulugan niya iyon. Pero hindi gaya ng mga nagdaang gabi ng pag-iyak niya, parang may mainit na bagay na yumakap sa kanya. Nawala ang sakit sa kanyang puso at gumaang ang pakiramdam niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD